Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Regal, top money maker ng horror film

112515 haunted house janella
NOONG kumanta si Janella Salvador sa press conference ng pelikula niyang Haunted Mansion, lahat talaga ay tumahimik at nakinig. Mahusay pala talagang kumanta ang batang iyan. Aba eh may pinagmanahan naman. Ang nanay ng batang iyan ay ang Miss Saigon veteran na si Jenine Desiderio. Ang tatay naman niyan ay si Juan Miguel Salvador. Puwede nga bang hindi magaling na singer iyan.

Iyon nga lang, hindi isang musical kundi isang horror film ang kanyang launching movie, iyong Haunted Mansion. Okey lang naman iyon, kasi lately wala na tayong mga pelikulang musical. Parang hindi na uso eh. Iyong horror, aba eh diyan magaling ang Regal. Ipinagmamalaki nila iyong kanilang Shake, Rattle and Roll na naging bahagi ng taunang film festival sa loob ng 15 taon, at laging top money maker. Sila rin ang gumawa niyong Bahay ni Lola. At makalilimutan ba naman natin iyong pelikulang Tiyanak.

Naging bukambibig iyon noong araw at sinasabing ”anak ni Janice”. Talagang pagdating sa horror gumagawa ng history iyang Regal, kaya kung makakasama ka sa isang horror movie nila, suwerte ka dahil tiyak na kikita iyan. Kung ikaw pa ang ila-launch at gagawing bida, aba eh napakalaking bagay niyon.

Kahit nga si John Lapus eh, na star ng isa pang horror movie, Buy Now, Die Later na makakalaban niyang Haunted Mansion sa festival ay umaming matindi ang Regal pagdating sa horror. Lagi nga raw siyang may role na pinapatay ng mga aswang o ng mga monster.

Kuwento ng mga estudyanteng nag-ghost hunting iyang Haunted Mansion. Hindi multo riyan si Janella. Siya iyong pretty girl nila sa grupo ng mga kabataan. Hindi pa namin nakikita ang kabuuan ng pelikula, pero ang feedback na narinig namin mula sa ilang tekniko na nakasilip na sa kanilang post production, magaling daw na aktres si Janella. Aba eh magaling din namang aktres ang nanay niyan eh.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …