Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Janella, nabastos ng event host

121115 janella salvador

00 fact sheet reggeeUsaping Haunted Mansion naman ay hindi napigilan ni Janella Salvador na hindi maglabas ng sama ng loob sa ginawa sa kanya ng event host sa Christmas party na siya mismo ang special guest dahil endorser siya ng produkto nito.

Sabi ni Janella ay ang mommy niyang si Jenine Desiderio ang nag-post sa kanyang social media account na nakalimutan ng host ang pangalan ng aktres nang ipakikilala na siya.

Napaka-iresponsable raw ng event host na kinuha ng organizers ng Christmas party.

“It was a Christmas party para sa isang endorser ko, hindi ko na lang papangalanan.

“Hindi ko lang in-expect na ganoon ang mangyayari. Kasi it was for my endorsement, ‘di ba? So, nakababastos lang. Na-off lang ako alam mo ‘yung feeling na ganoon na parang napahiya ka sa sarili mong event,” kuwento ni Janella.

Hindi na lang daw ipinahalata ni Janella ang pagka-asar niya sa event host dahil gusto niya good vibes lang.

Sobrang pasalamat naman si Janella sa mommy na unang nagtanggol sa kanya.

“Tingin ko naman ganoon talaga ang mga mommy. Protective sila sa mga anak nila,” anang dalaga.

At sa darating na Disyrembre 25 ay kabado sina Janella, Mario Mortel, at Jerome Ponce dahil first time nilang mapapasama sa Metro Manila Film Festival at ang lalaki pa raw ng mga kalaban.

”I believe in our movie, kay direk Jun Lana, sa staff at sa lahat ng cast. This is the scariest movie for this year’s MMFF.

“Kaya sana suportahan nila. Hindi po kami mapapahiya sa inyo kapag pinanood n’yo ang ‘Haunted Mansion’. If you’re a fan of ‘Shake Rattle & Roll’, you’ve got to see this movie,” saad ni Janella.

Sabi naman ni Mario, ”Dapat panoorin n’yo ito kasama ang barkada o tropa n’yo para mas masaya.

“Mas okey ‘pag marami kayong papasok sa sinehan para sabay-sabay kayong matatakot at magsisigawan.”

Kaya sa fans ng Shake, Rattle and Roll, heto ang kapalit, Haunted Mansion na sa December 25.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …