Thursday , December 26 2024

P1-M reward sa ikadarakip ng killer ni Engr. Imelda “Bebot” Natividad Bellen

CRIME BUSTER LOGOSA ikalulutas ng kasong murder, nag-offer ng P1 million reward ang pamilya ni Engr. Imelda “Bebot” Natividad Bellen sa mga taong makapagbibigay ng mahahalagang impormasyon sa pagkakakilanlan at sa ikadarakip ng suspect.

Base sa record ng pulisya, natagpuan ang wala nang buhay na katawan ni Bellen sa rear passenger seat ng Toyota Vios na may plakang ZFE 315 habang ang sasakyan ay nakaparada sa kahabaan ng PCCARD Road sa Barangay Timugan sa Los Baños, Laguna noong umaga ng August 29, 2015.

Sa interview ng local media,  sinabi ng kapatid ng biktima ni Ginoong Arturo Natividad  na umaasa ang kanilang pamilya na ang ibibigay nilang P1 milllion reward ay makatutulong sa isinasagawang imbestigasyon ng Philippine National Police.

“Malaki ang maitutulong nito upang mapadali ang paglutas ng kaso,” ayon kay Ginoong Natividad.

Sa wikang English, ipinaliwanag niyang ang “reward has a time limit of until the end of May 2016 only. He believe that the duration is long enough for those who have knowledge about the crime to surface and help in the investigation.”

Los Baños Municipal Police Station officer-in-charge Supt. Romeo Desiderio who earlier attended Special Investigation Task Group (SITG) Bellen presided by Senior Supt. Romeo Sapitula, Deputy Regional Director for Operation (DRDO) and Chairman of SITG Bellen, said the SITG is continuously seeking information and possible witnesses for the immediate resolution of the crime.

“We assure the family that we will do everything we can to resolve the case as soon as possible. We will also help the family in making known to the public the reward. We will produce tarpaulins and flyers on the P1-M reward and post it in areas of Batangas, Laguna and Quezon.”

Ang panalangin naman natin ay makilala at mahuli sa lalong madaling panahon kung sino man ang gumawa ng krimen.

Sa pagkakaalam ko, pinatutukan ni Chief Supt. Richard Albano, regional director ng Police Regional Office4-A sa mga police operatives sa CALABARZON ang kasong pagpatay kay Bellen.

Nakatutok din sa kaso ang Regional Public Informatio Office (RPIO) ng PRO4-A, sa pamamagitan ng hepe nitong si Supt. Chitadel Carandang Gaoiran.

Si Kap. Rolly Bacar, ang pag-asa sa Pasay

NASA puso pala ni Kap. Rolly Bacar ang politika.

Sa kasalukuyan ay kandidato siyang independent councilor sa ikalawang distrito sa Pasay City.

Alam ni Kap. Bacar na napakahirap sumabak sa politika ang isang independent candidate na katulad niya.

Dahil sa kanyang paniniwala at sa tulong ng kanyang mga supporters, umaasa siyang mararating niya ang tagumpay sa darating na May 2016 election.

Padaplis lang!!! Towing services na colorum?

HILA-batak doon ang ginagawa daw ng mga trabahador na manghihila ng sasakyan na naka-based sa isang lugar sa Makati City.

Kahit na raw sangkaterba na ang nagrereklamo laban sa Towing na hawak nina Bong, alias “dekalbo” at Romy M., patuloy pa rin daw ang kanilang racket de-batak sasakyan partikular sa iba’t ibang lugar sa Makati.

Ipinagmamalaki nila na sila ang nabigyan ng go-signal ng Makati City Hall. May permit ba sila sa MMDA at sa office of the mayor ng Makati?

Acting Mayor Kid Pena, paimbestigahan po ninyo ang towing services nina kalbo at Romy. Bilis!!!

Isa pang padaplis!!!

UMARANGKADA na naman daw ang pergalan ni alias Boy Life sa Barangay Sabang sa Lipa City, Batangas.

Sa lalawigan ng Batangas, ang daming nag-ooperate ng peryahan na may halong sugal na color games, dropballs, beto-beto at dice.

Alam na kaya iyan ng officer-in-charge ng PNP sa Batangas province ni Senior Supr. Arcadio Ronquillo Jr.?

About Mario Alcala

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *