Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

OPM songs ni Sarah, hit sa From The Top concert

110915 SARAH G
MAY isang bagay na napatunayan si Sarah Geronimo sa kanyang dalawang araw na concert. Puwede palang gawin din ng mga singer na Filipino ang ginagawa ng kanilang mga foreign counterpart sa isang concert. Maaaring ang kantahin nila ay ang kanila mismong hit songs. Karaniwan kasi sa mga concert artist natin, kakanta lamang ng ilang hit songs nila at bubuuin ang concert sa pagkanta ng mga kantang pinasikat ng ibang singers na karamihan ay foreign pa. Ang kinakanta nila ay iyong tinatawag na “cover versions”.

Kasi ang paniwala ng mga singer kahit na noong araw, iyong kanilang kahusayan sa pagkanta, nasa mga recording na nila. Iyong concert iba naman iyon. Doon nila inilalabas ang kakayahan nila bilang mga performer, at masasabi ngang magaling sila kung magagawa rin nila ang ginagawa ng mga sikat na foreign counterparts nila.

Kaya kung minsan, nakalulungkot, gumagawa pa sila ng medley ng mga kantang pinasikat ng mga foreign singer na iniidolo nila o gusto nilang gayahin. Ok lang iyon sa singers, pero malaking drawback iyon sa mga composer  o song writers na Filipino. Para bang sinasabi natin mismo na mas magagaling ang mga dayuhang song writers kaysa mga composer natin. Parang sinasabi natin na mas maganda ang mga kantang dayuhan kaysa sariling atin.

Kaya iyang ginawa ni Sarah sa kanyang From The Top concert na kinanta niya ay karamihan sa kanyang hit songs na OPM, at mas kaunti ang cover versions, aba eh isang malaking rebolusyon iyan at dapat na mapahiya ang ibang nagsasabi na sinusuportahan nila ang mga awiting Filipino pero ang kinakanta sa mga concert nila ay puro cover versions.

Ang akala rin namin, hindi magiging ganoon kalaki ang second day ng concert ni Sarah. Kasi one day lang talaga iyan eh. Mabilis naubos ang mga ticket kaya nag-extend sila ng isang araw pa. Iyon pa naman ang mga araw na napakatindi ng traffic sa Metro Manila. May sunog pa sa Cubao mismo. Pero napuno pa rin niya ang big dome. Kung gusto ka talagang panoorin ng mga tao, manonood sila.

ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …