Sunday , April 6 2025

Ilegal na pagawaan ng paputok sinalakay

SAKO-SAKONG ilegal na paputok ang nakompiska ng mga awtoridad sa pagsalakay sa isang pabrika sa Bocaue, Bulacan kamakalawa.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Senior Supt. Ferdinand Divina, Bulacan police director, nakompiska sa pagsalakay ang mga ilegal na paputok tulad ng pla-pla, kabasi, Goodbye Philippines at Super Lolo.

Malaki ang paniniwala ng mga awtoridad na natimbrehan ang may-ari at mga manggagawa ng nasabing ilegal na pabrika ng paputok  dahil  wala  silang inabutan nang isagawa ang pagsalakay.   

Kasunod nito, nanawagan sa publiko si Divina na huwag tangkilikin at huwag bumili ng mga ilegal na paputok upang malayo sa kapahamakan.

Nabatid na sa ilalim ng umiiral na batas, dapat ang gunpowder sa bawat paputok ay hindi hihigit sa 0.2 gramo o one-third ng isang teaspon.

Ang mga natagpuang paputok sa sinalakay na pabrika ay mahigit pa rito kaya ang mga magmamanupaktura nang tulad nito ay maaaring mabilanggo nang hindi bababa sa anim buwan at multang aabot sa P20,000 hanggang P30,000.

About Micka Bautista

Check Also

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

NAITAS DOT magkaakibat para sa Takbo Para Sa Turismo

NAITAS, DOT magkaakibat para sa “Takbo Para Sa Turismo”

ANG National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) at ang Department of Tourism (DOT) ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *