Mga nagpapahirap sa importer kalusin na!
Jimmy Salgado
December 8, 2015
Opinion
DAPAT nang pagsabihan ni Comm. Bert Lina ang isang alias MENDOSA sa Port of Manila na tigilan na na ang pananakot sa mga broker at importer.
Kung noon ay tumatanggap ng 5k pero nang ma-promote ay biglang 50k na ang tara kahit amyenda lang.
Ang katwiran n’ya ay naghahatag daw siya sa kanyang patron na isang Congressman sa Southern Luzon at sa isang dating collector na sabungero.
‘Yan na nga ang sinasabi ko, mahirap talaga mag-remit lalo pag ang amo ay nasanay sa milyong halaga.
Ang modus nito ay i-subpoena ang mga broker at importer para makatara nang malaki.
Masisi mo ba ang importer kung mag-misdeclaration, mag-under value at misclassify e dito pa lang kay alias Mendosa ay manginginig na sa laki ng tara.
Tama na sobra na!!!
***
Isang alias ER-WING naman ang nireklamo kay IG DepComm. Jessie Dellosa na tumatara ng 5k per container sa mga broker. Matindi mangikil at kung hindi maghahatag ay ipapa-subpoena para mahirapan nang husto ang broker.
Ipinagyayabang ni Er-wing na sa OCOM daw siya naka-assign at hindi kay DepComm. Lachica.
Totoo ba ‘yan Comm. Lina?
Aabangan natin ang resulta ng imbestigasyon ni Gen. Dellosa sa dalawang kumag!
***
Grabe ang report na nakarating sa atin na puro peke umano ang ginagamit na AFTA ng AQUADO BROKERAGE.
Ako naman ay hindi naniniwala sa isyung ito at isinulat ko lang ito base sa report na natanggap ko.
Bukas ang ating kolum para patunayan ng Aquado brokerage na genuine at hindi fake ang mga AFTA na ginagamit nila sa kanilang importation.
***
Ano naman itong sumbong sa PITIK na ang ilang hao-shiao/contractual sa BOC-AOCG sa ilalim ni Depcomm, ay milyones rin daw mangikil sa mga importer?
Matunog daw ang pangalan na alias DYOBAN,DEKS at PERADRESYA!?
Ang panakot raw lagi sa mga broker ay ipao-audit ang kanilang importation.
DepComm. Uvero, alamin mo nga kung sino ‘yang mga tulisan sa opisina mo bago ka pa ihulog ng mga ‘yan!
Aksyon!