Saturday , November 23 2024

Umayos ka na, Digong!

00 pulis joey“SORRY!”

Say ni Digong kay Davao Archbishop Romulo Valles!

Oo, sinadya ni Davao City mayor at presidentiable Rodrigo “Digong” Duterte si Arch. Valles sa Bishop’s Palace sa lungsod para humingi ng pasensiya sa pagkakamura niya kay Pope Francis noong bumisita ang Santo Papa sa bansa noong Enero.

Op kors… kung ang Diyos nga nakapagpapatawad, si Arch. Valles pa kaya.

Sa closed door meeting na nagsimula ng 2:00 ng hapon, pinagsabihan ng Arsobispo si Digong na umayos na, alisin na ang pagiging matabil at palamura lalo’t isa siya mga napupusuan ng mamamayan na maging lider ng Filipinas.

Nangako si Digong… nagboluntaryo pang magmumulta ng P1K sa tuwing siya’y magmumura.

Magandang deal ito. Baka makaipon ng sako-sakong tig-P1K rito ang Simbahan. Hehehe…

Nag-viral sa social media na si Digong ay hindi nakapagtapos ng elementary at high schools sa Ateneo de Davao. Sinipa raw sa iskul dahil sa kanyang pagiging astig.

Alam n’yo, mga igan, minsan… kung sino pang barumbado’t gago noong kabataan ay siya pang nagiging mahusay na lider pagdating nang tamang panahon.

Ganyan si Duterte. Naging mahusay siyang ama ng Lungsod ng Davao. Hopefully ay magagawa niya rin ito kapag nahalal ang majority ng mahigit 50 milyon botante sa Mayo 2016.

What do you think, mga pare’t mare?

 ‘Di magigiba ng demolition si Duterte

– Sir Joey, kahit ano pa ang sasabihin ng mga demolition squad ng oposisyon laban kay Mayor Duterte ay hindi ito magigiba. Siya lamang ang tanging 2016 presidential bet na makapagpapatino ng bansa sa kasamaan, katiwalian at kriminalidad. – 09993827…

Wala namang demolition laban kay Mayor Duterte. Siya rin lang naman ang nagde-demolish sa kanyang sarili. Hehehe

Hinaing ng sweepers para kay Mayor Calixto ng Pasay City

– Sir Joey, gud am po. Isa po akong concerned citizen. Tulungan nyo naman po ang sweepers 2 ng PCENRO na maipaabot kay Mayor Tony Calixto ang problemang ito ng mga kawawang sweeper na iparehas ang sahod nila sa sweeper 1. Kasi kulang na kulang sa pamilya nila ang sinasahod nilang P9,600 isang buwan, tapos namamasahe pa ang mga malalayo ang bahay. Saka bakit yung mga bagong pasok ay P12,000 agad ang sahod? Samantalang silang mga matatagal na sa serbisyo – dalawa, tatlo, apat na taon na – hindi pa madagdagan ang sahod. Pare-pareho naman ang trabaho nila. Sana mabasa ito ni Mayor Calixto at madam Christy Eshmawi. Iparehas naman nila ang sahod ng sweeper 2 sa sweeper 1, parang awa na nila. -0926569…

May salary grade rin pala ang sweepers diyan sa Pasay City. May ranking rin. Hehehe… Siyempre kung sino ang malakas o may kapit kina Mayor Calixto at Madam Eshmawi siyang mapo-promote kahit baguhan. Anyway, maghalal na lang kayo ng tamang mayor sa 2016. ‘Yung mayor na pantay-pantay ang tingin sa lahat ng trabahador. Sino-sino ba ang kandidatong mayor ngayon sa Pasay City? Obra pa ba si Cong. Roxas o out of the race na dahil sa kinakaharap na graft case?

Ayaw na kay Erap!

– Joey, ayaw na namin Erap. Tinaasan ang real state tax, privatezation public market, pinagbayad public hospitals at walang sa mahihirap. – 09198963…

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

About Joey Venancio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *