Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Si Jake po talaga ang tatay kaya lang takot kami kay Erap — Andi

120415 andi eigenmann jake ejercito erap elle

ANG totoo, kami ang nalito sa mga narinig naming statements ni Andi Eigenmann kung sino talaga ang tatay ng kanyang anak. Hindi lumipas ang isang araw, dalawang conflicting statements ang narinig namin. Doon sa kanyang interview sa press conference niyong Angela Markado, maliwanag na sinabi niyang hindi kailangan ng DNA testing, at hindi naman niya sinasabing ang biological father ng kanyang anak ay si Jake Ejercito, pero iyon daw kasi ang naroroon at dumamay sa kanya noong panahong buntis siya, at siya ring nangalaga sa kanyang anak noong panahong kailangan niyon ang pagkalinga ng isang ama.

Katunayan nga naman, noong mag-birthday ang kanyang anak, may message pa si Jake sa kanyang social media account na mahal niya talaga iyong bata no matter what.

So, maliwanag sa statement na iyon na iba nga ang biological father ng kanyang anak, pero dahil si Jake na boyfriend niya noong panahong iyon ang parang umako sa responsibilidad, itinuturing niyang iyon na nga ang tatay ng kanyang anak.

Pero paglabas ni Andi sa venue ng presscon na iyon, natanong siya ni Alfie Lorenzo kung sino nga ba talaga ang tatay ng kanyang anak, at dinig na dinig namin ang sagot niyang, ”si Jake po talaga kaya lang takot kami kay Erap.”

Conflicting statements iyan. Si Jake ba talaga ang tatay at nagturo lang siya ng iba dahil natatakot sila at ayaw ni Erap sa kanilang relasyon, o talaga nga bang sinalo lang niyon ang responsibilidad sa kanyang anak? Ano ba talaga? Pati kami confused.

Iyon na nga ang point, sabi nila. Gusto na lang niyang manatiling confused ang mga tao, after all sinasabi nga niyang hindi naman niya kailangan kung sino man ang biological father ng kanyang anak dahil kaya niyang palakihin iyong mag-isa. Nagsabi naman ang kanyang mga kapatid, at maging ang tatay niyang si Mark Gilnoon na hindi problema ang pagpapalaki sa bata, sustentuhan man iyon ng tatay o hindi.

Pero hindi kaya magulo ang isipan niyong bata hanggang sa paglaki niya kung hindi pare-pareho ang statement ng nanay niya mismo kung sino ang tatay niya?

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …