Huling dalawang baraha ni Sen. Poe
Joey Venancio
December 4, 2015
Opinion
MAY huling dalawang baraha pa si Senadora Grace Poe para maisama ang kanyang pangalan sa mga kandidatong pagpipilian para presidente sa 2016 elections.
Nabokya si Sen. Poe, 3-0, sa desisyon ng 2nd Division ng Comelec sa disqualification case na isinampa ni Atty. Estrella Elamparo.
Bukod rito ay mayroon pang tatlong kaso ng DQ ang kanyang kinakaharap sa 1st Division ng Comelec na isinampa naman nina ex-Senator Kit Tatad, dating UE Law Dean Amado Valdez at DLSU Political Science Professor Antonio Contreras. Pinag-isa na lang ang complains nila, na maaring desisyon ngayon or next week.
Ang huling dalawang legal remedies ni Sen. Poe ay lumapit sa Comelec en banc. Pag hindi pa sila lumusot dito ay sa final interpreter ng batas na sila dudulog, ang Korte Suprema.
Ayon kay Comelec Chairman Andy Bautista, extended hanggang Disyembre 15 (na dapat ay sa Dis. 10 na) ang pagsasapinal sa listahan ng mga pangalan ng kandidato na isasama sa pag-imprenta ng balota.
Hihintayin anila ang desisyon ng Comelec En Banc. Dito aniya nakadepende kung idi-disqualify si Sen. Poe o maisasama ang kanyang pangalan sa mga kandidato sa 2016.
Kapit lang poe. Basta naaayon lang sa batas…
Ang ‘No loading, unloading’ sa Davao
– Gud pm sayo, Joey. Report ko po… kasi ang van naka-ruta dito sa Davao e bawal mag-stop sa mga no loading at unloading. Eh ang mga Bachelor Express Bus bakit walang kabawal-bawal sila? Asan ang hustisya? Tama ba ang kalakarang ito sa transport dito, Kuya Joey? May pinipili sila. Sana mabigyang linaw po ito. Salamat. – Driver ng van
Sa pagkakaalam ko, mahigpit at parehas si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pagpapatupad ng batas dyan sa inyong lungsod. Hopely ay maaaksiyunan ito ni Digong, the man!
Hinaing ng sekyu sa MC Security Agency
– Gud day, Sir Joey. Report ko po itong agency namin, ang pangalan ay MC Security, na wala pong 13th month pay at back pay if nag-resign. Tapos po napakababa ng magpasahod, wala sa minimum ang araw. Yung sahod ko po dito ay P250 a day. Pag may namatayan po, walang makukuha sa agency kahit tulong kundi sa amin din iaasa, kasi binabawasan nila ng P200 para raw sa patay. Wag nyo nalang po ilabas ang numero ko. – MC Guard
Sa pagkakaalam ko, depende sa puwesto ang rate ng mga sekyu. Kung malaki ang puwesto o binabantayan nila, malaki rin ang rate ng agency sa kanilang guard. Anyway, nawa’y ayusin ng management ng MC Security ang hinaing na ito ng kanyang sekyu or else marami silang dapat ipaliwanag sa Labor. Ang 13th month ay compulsary yan, lugi man o hindi ang kompanya ay kailangan magbigay sa mga empleyado.
Mga adik na tricycle at bus drivers sa terminal ng Condon Bus Lines
– Report ko po dito sa may terminal ng Condon Bus Lines saka Sta Lucia na biyaheng La Union, marami pong dito… puros tricycle driver po. Sila rin po yung nagsusuplay sa mga bus driver. Positive po ito. Paki-ingatan lang po ang numero ko. -Concerned citizen
Kotongan sa truck sa corner Quirino, Manila
– Sir Joey, dito po sa may corner ng Quirino, Manila, ang mga MMDA at pulis ang tindi po manghuhuli ng mga trak. Bawal daw dumaan kahit hindi naman bawal, puro lang pangongotong ang ginagawa nila lalo na po yung Guivara, lakas mangotong. Kahit madaling araw nandito sila para mangotong lang! Itago nyo nalang po numero ko. – Driver
Pilitan nyong makunan ng video sa inyong celfone ang mga kotong traffic enforcers para hindi makapagpalusot kapag pinatanggal natin.
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015