Friday , December 27 2024

Dapat magkaisa na ang mga politico sa Pasay

CRIME BUSTER LOGOANG payong kapatid ni ‘Kaibigan’ retired police captain Ricardo “Ding-Taruc” Santos, dapat ay magkaisa na ang magkakalabang politiko sa Pasay City.

Kapag natupad daw ito ay mapapabilis ang pag-unlad ng ekonomiya ng siyudad ng Pasay.

Dapat ay iwasan na rin daw ng ilang opposition politician ang patalikod na pag-atake kay incumbent Pasay City Mayor Tony Calixto dahil hindi naman daw ito nakabubuti sa bayan.

Si Mayor Calixto ay may isa pang termino para kumandikadong alkalde sa siyudad ng Pasay.

Ganyan talaga kapag ang isang politiko ay nakikita ng kanyang kalaban na ‘winnable candidate’ sa Pasay. Lahat ng uri ng paninira ay gagawin makamit lamang ang kanyang minimithing pangarap.

Sa pagkakaalam ko marami na rin mga proyektong pambayan ang naisagawa ni Mayor Calixto, kabilang na rito ang state-of-the-art na renovation ng old building ng Pasay City Hall.

Ang mga proyektong pambayan na naisagawa ni yorme, kadalasan ay hindi nailalagay sa mga peryodiko dahil “silent politician” o low profile lang ang mama.

Sa kasalukuyan ang isa sa makakatunggali sa mayoral race sa Pasay ni Calixto sa May 2016 elections ay si ex-congressman Dr. Jose Antonio “Lito” Roxas.

Last week, naging laman ng iba’t ibang pang-umagang pahayagan, broadsheets at tabloids ang pangalan ni Dok Roxas.

Hinatulan ng anti-graft court ng First Division ng Sandiganbayan si Roxas at dating Pasay City Mayor Atty. Wenceslao “Peewe” Trinidad nang maximum na pagkakakulong ng sampung taon na may kaugnayan sa umano’y maanomalyang P500 million kontrata sa pagpapagiba at sa pagpapagawa ng Pasay City Public Market noong 2004.

Sinasabing si Peewee noon ang chairman ng qualifications bids and awards committee at si Roxas ay miyembro ng PBAC nang i-award nila ang kontrata sa Izumo Contructors Inc., isang kompanyang pagmamay-ari ng negsoyanteng si Cedric Lee.

Sa 30-pahinang desisyon na inilabas ng anti-gratf court nitong Nobyembre 26, 2015, may kabigatan ang naging hatol ng Sandiganbayan First Division sa dalawang dating opisyal ng Pasay City Hall. Bukod sa sentensiyang pagkakakulong, ‘di na sila kuwalipikadong humawak ng ano mang posisyon sa gobyerno.

Nakasaad din sa hatol na “guilty beyond reasonable doubt” sa paglabag sa Section 3 (e) ng Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Article 237 ng Revised Penal Code (RPC) si Trinidad gayon din ang dating konsehal ng Pasay na si Jose Antonio Roxas.

Matatandaan na ipinatigil ng national government ang construction ng mga nasabing estruktura dahil sa paglabag sa Government Procurement Reforms Act.

Dahil above six years ang sentensiyang ipinataw ng first division ng Sandiganbayan kina Peewee at Roxas, hindi sila mabibiyayaan ng ‘probation’ ng gobyerno.

Ilan sa mga nakausap kong abogado ang nagsabi na maaari pang iapela sa korte nina Peewe at Roxas ang naging hatol sa kanila ng Sandiganbayan.

Sa spirit ng Christmas, open pa naman daw ang mga kamay ng ‘CALIXTO TEAM 2016’ para magkasundo-sundo na ang kulay green, orange, violet at red sa Pasay.

Teka, dahil nais niyang maging public servant, si Ding Santos ay kandidatong konsehal sa first district ng Pasay.

Pahaging lang!!! Pergalan ni Popo sa Bagong Bantay Quezon City

MATAPANG daw ang apog ng perya-bangker na si Popo.

Kahit daw may petition na ang mga residente sa Bagong Bantay sa Project 6, ay nagpalatag pa rin daw ng dalawang mesa ng sugal na color games ang gambling protector na si Popo.

Kung may petition, dapat ipawalis ng barangay chairman ang pasugalan ni Popo sa lalong madaling panahon. Aksyon QCPD!!!

Back to back ang 1602 sa Plaza ng Tarlac

BACK to back kung tawagin ng mga manunugal ang dalawang peryahan na may halong mesa ng sugal na matatagpuan sa plaza ng Concepcion sa lalawigan ng Tarlac.

Ang mga protector, maintainer daw sa sugalan ay si Peng na tao ni Quiroz at Gloria.

Sa Barangay Magsaysay sa San Pedro City, Laguna, ang gambling lord na si Roa ang maintainer ng color games sa nasabing bayan.

Alam kaya ni mayor at ng chief of police sa San Pedro City, Laguna na may nagpapasugal sa kanilang area of jurisdiction (AOR)?

About Mario Alcala

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *