Sunday , December 22 2024

Parangal kay Major Lorenzo Jr., dapat lang! 

00 aksyon almarTHE best in the west este, sa buong National Capital Region (NCR) talaga ang Quezon City Police District (QCPD) kaya, malamang na sa 2016 ay maiuuwi na naman ng pulisya ang parangal na best police district.

Ba’t naman natin nasabing malamang na ang QCPD ang pararangalan uli sa kabila nang matagal-tagal pa ang “judgement day.” Totoo iyan na mahaba-haba pa ang panahon para sabihing QCPD pa rin ang magiging number 1, pero kung pagbabasehan ang mga patunay – mga hindi matatawarang accomplishment ng pulisya, aba’y obvious na iuuwi ng QCPD ang parangal.

Hindi na natin kailangan pang isa-isahin ang accomplishment ng pulisya – ito ay dahil halos araw-araw naman na laman ng diyaryo, telebisyon at radyo ang accomplishment ng QCPD.

E, ano ba ang sekreto ng QCPD at maayos ang pamalakad ng pulisya kaya magaganda ang accomplishment nila?

Una’y…ops teka, sekreto nga kaya hindi natin puwedeng sabihin at sa halip ibubulong ko lang sa inyo para hindi malaman ng ibang distrito ng pulisya sa NCR at baka gayahin.

Anyway, okey naman kung kanilang gayahin total ang totoong makikinabang naman sa sekreto ng QCPD ay mamamayan.

O sige, una, ang good leadership ng District Director – seryoso siya sa bawat direktiba niya lalo na ang kampanya laban sa kriminalidad. Sino naman ang District Director ng QCPD ngayon na halos dalawang buwan pa lamang sa kinauupuan niya pero hindi na matatawaran ang accomplishment sa ilalim ng kanyang pamunuan.

Well, si Chief Supt. Edgardo G. Tinio lang naman – ang heneral na may paninindigan laban sa kriminalidad para sa kapakanan ng mamamayan ng Kyusi.

E ano pa ang mga sekreto ng QCPD? Actually hindi sekreto itong ikalawang babanggitin ko kundi alam na ng lahat maging ng apat pang distrito ng pulisya sa Metro Manila – ang MPD, SPD, EPD at NPD.

Ano nga ‘yon? Ano pa kundi puno ang QCPD ng masisipag at magagaling na opisyal – senior officers and junior officers na nagiging idolo na bawat miyembro (pulis) ng QCPD.

Speaking of junior officer – isa sa masasabing may malaking ambag sa QCPD para sa magandang imahe nito ay si P/Chief Insp. Rolando S. Lorenzo Jr., kasalukuyang hepe ng QCPD – QC Hall Police Detachment.

Katunayan nitong Nobyembre 25, 2015,  sa selebrasyon ng QCPD 76th anniversary, si Lorenzo ay pinangaralang “Best Junior Police Commissioned Office of the Year 2015.”

Bago naging pulis-QC si Lorenzo, siya’y isa munang pulis – Manila. Kinilala din ang pulis sa MPD noong 2012  bilang Best Junior Police at ang kagalingan niya ay kanyang ipinagpatuloy sa QCPD  nang maitalaga bilang hepe ng  Anti-Carnapping Section.

Sa kanyang dalawang taon at 6-buwan sa QCPD, marami na ring naiambag ang opisyal sa talaan ng magagandang trabaho ng pulisya na naging basehan para kilalanin ang junior officer sa nakalipas na anniversary.

Ilan sa trabaho ni Lorenzo, naging matagumpay sa suporta ng kanyang mga tauhan at ilan unit ng QCPD, ang pagbuwag sa isang carjack gang noong Oktubre 9, 2015 na kanilang nakaenkuwentro sa Brgy. Payatas B, QC. Nagresulta ito sa pagkamatay ng 5 armadong lalaki, pagkarekober ng 3 sub machine gun; 2 kalibre .38, at carnap vehicles – taxi at Isuzu crosswind; pagkamatay ng dalawang holdaper (riding in tandem) sa Brgy. Greater Lagro, QC noong Agosto 28, 2015; pagkamatay ng PNP top 10 most wanted kidnapper/carnapper sa bansa na si Reneil Abogado, dismissed police officer sa Brgy. Payatas B,QC.

Enkuwentro uli sa Brgy Greater Lagro. Napatay ang dati rin pulis na si PO1 jay Rowan Poquiz at isa pang ‘di nakikilalang lalaki.  Narekober sa dalawa ang carnap na motorsiklo at .9mm Baretta; at pagbuwag at pagkamatay din ng 3 pang salot sa Minadanao Ave. at Quirinio H-way, QC na nagresulta sa pagkarekober ng Toyota Vios at 2 baril at 1 granada. Sa labanan naman sa Araneta Ave., corner Maria Clara St., Brgy Sto. Domingo,QC,  nagresulta ito sa pagkamatay ng 2 lalaki (tandem uli).

At kung tatalakayin naman ang mga naaresto ni Lorenzo nang hepe siya ng Ancar at ngayon nga’y QC Hall Police, isa sa kilalang nadakip ng opisyal ay si Mac Lester San Diego Reyes, pinuno ng Mac Lester carnap/carjack group ang kilalang No. 1 Most Wanted Carnapping Syndicate sa bansa. Bukod sa lider, nadakip din nina Lorenzo ang lima pang tauhan ni Lester noong Agosto 2014.

Hindi lamang ito ang mga naaresto ni Lorenzo kundi marami pa…ang Mac Lester lang ang tinalakay natin dahil isang malaking salot na grupo sa buong bansa. Mabuti naman at nandiyan ang grupo ni Lorenzo kundi, maaaring hanggang ngayon ay tuloy pa rin sa ligaya ang Mac Lester carjack/carnap gang.

Ang accomplishment ni Lorenzo at ng kanyang tropa ay malaking karangalan sa QCPD para maiuwi na naman ng QCPD ang best police district sa 2016… at siyempre, base sa mga trabaho ni Lorenzo, hindi na nakapagtataka kung bakit pinarangalang Best Junior Police ng QCPD ang opisyal. Hindi rin nagkamali ang QCPD sa pagparangal kay Lorenzo.

Chief Insp. Lorenzo Jr., congratulations sir!

Ngayon nagtataka pa kayo kung bakit laging da best ang QCPD?

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *