NAGKAISA ang ABS-CBN Integrated Public Service (IPS) at Health Futures Foundation Inc. (HFI) sa layuning bumuo ng mga pangmatagalang health center sa mga komunidad sa ilalim ng proyektong Building Sustainable & Caring Communities (BSCC) lalo na sa Brgy. Looc, Balete, Batangas.
“Sa paggawa ng health center, tiniyak naming malilinang maige ang limang sangay ng health and wellness: basic health care, basic education, basic shelter, food security, at livelihood. Napili namin ang Brgy. Looc dahil madali itong puntahan mula sa Maynila, na madaling makapagbibigay ng volunteer work ang ating mga empleado,” ani IPS co-head Fr. Tito Caluag.
Bukod sa mga nabanggit, maaasahan din ng mga mamamayan na mayroong preventive at mga curative na gamot, maging ang mga fitness activities sa health center na nakatakdang magbukas bago matapos ang buwan ng Nobyembre.
Dumalo sa pirmahan ng kontrata sina ABS-CBN Integrated Public Service co-head Louis Benedict Bennett, ABS-CBN Public Service Group head Higino Dungo, ALKFI Chief Finance Officer Noemi Samson, Corporate Service Group 1 head Mark Nepomuceno, ABS-CBN Integrated Public Service co-head Fr. Tito Caluag, Health Futures Foundation Incorporation chairman Dr. Jaime Galvez Tan, at Health Futures Foundation Incorporation project director Rebecca Galvez.