Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aktor, napahamak dahil sa paglipat-lipat ng manager

051815 blind mystery man
THERE is no denying, ”na-APEC-tuhan” din ang aming schedule, kaya nga nagkaroon naman kami ng panahon na tumambay sa isang coffee shop, kasama ang iba pang movie writers, at siyempre matindi ang naging kuwentuhan.

Napag-usapan ang “humble beginnings” ng isang male star. Kung kani-kanino pala talaga lumapit iyan noong araw. Narinig naming inilapit daw iyan ng tatay yata niya noon sa kaibigan naming si Alfie Lorenzo, na hindi naman nagkaroon ng interest. Inilapit pala iyan sa isang talent manager ng kanyang lola. Nagkapirmahan sila ng kontrata. Pero later on, may nakilala raw mga taong ”mas makatutulong sa kanyang career”, kaya nagpa-release siya sa kontrata nila ng manager.

Pero ang tsismis nila, ”napahamak iyan noon dahil sa palipat-lipat ng mga manager.” Ang isa raw kamahamakan ng actor na mabuti at hindi pa kumalat ay ang mga eskandalosong pictures niya na nasa isang naging manager niya. Mayroon din daw iyang isang video scandal na hawak naman ng isang kilala ring madatung na bading sa showbusiness.

Malalakas naman ang mga nakapitan niya ngayon, kaya nga maganda ang takbo ng kanyang career, pero ano nga kaya ang mangyayari kung ang mga sikreto ng kanyang not so distant past ay lumabas? Kawawa siya.

( Ed de Leon )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …