Friday , November 15 2024

Raymond Dominguez itinurong utak sa Nieves ambush

 

INILAGAY ng Bureau of Corrections (BuCor) ang convicted car theft syndicate leader na si Raymond Dominguez sa ilalim nang masusing pagbabantay makaraang ituro ng isang naarestong gunman na siya ang mastermind sa pag-ambush sa isang hukom sa Malolos City, Bulacan.

Ikinumpisal nang napaslang na hitman na si Arnel Janoras, kinuha ni Dominguez ang serbisyo ng kanilang grupo upang tambangan si Bulacan Regional Trial Court Judge Wilfredo Nieves noong Nobyembre 11.

Ayon kay Janoras, 43, naaresto ilang araw makaraan ang pananambang, ang grupo nila ay tumanggap ng P100,000 “operational funds” mula kay Dominguez para patayin si Nieves.

Kung matatandaan, sinentensiyahan ni Nieves si Dominguez ng 30 taon pagkabilanggo at pinagtibay ng Court of Appeals ang desisyon ng hukom noong 2012.

Nitong nakaraang Lunes, si Janoras, habang sakay ng police car na magdadala sana sa kanya sa inquest proceeding, ay nabaril at napatay nang tangkaing agawain ang baril ng isang police escort.

Bago ito, itinuro ni Janoras ang kanyang kasabwat sa krimen na isang Jay Joson at isa pang suspek na hanggang sa kasalukuyan ay pinaghahanap pa rin ng pulisya.

Batay sa pangungumpisal ni Janoras at sa iba pang nakalap na mga ebidensiya, ang Bulacan police ay nagsampa na ng kasong murder laban kay Dominguez para sa pagkamatay ni Nieves.

Nabatid na plano ng BuCor na ilipat si Dominguez, kasalukuyang inmate sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City, sa maximum security compound’s Building 14 na kulungan high-profile inmates.

Napag-alaman ding sinusuri na ng ahensiya ang mobile phone na nakompiska sa selda ni Dominguez sa isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa Bilibid kamakalawa.

About Micka Bautista

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *