Friday , December 27 2024

Bakit may nagtataksil?

CRIME BUSTER LOGONAKASAGAP tayo ng impormasyon na may ilan daw sa opposition candidate sa lungsod ng Pasay ang nagtaksil na sa kanilang samahan o partido.

Hindi na muna natin babanggitin kung sino sa kanila ang nagtaksil sa kanilang pinuno.

Ang isa raw sa naging dahilan para magtaksil sa kanilang partido ay dahil nakararamdam daw sila na hindi mananalo sa darating na halalan ang kanilang dinadalang kandidato. Napakahirap daw timbangin dahil pabago-bago daw ang utak ng kandidato na may style ring ‘atras-abante.’

He he he!!! Kung may katotohanan ang nasagap kong bagong impormasyon, malamang magsakayan na sila sa bangkang ang nagmamaneho ay incumbent mayor ng Pasay City na si Antonino “TONY” Calixto.

Noon pa man ay ilang beses na nating binabanggit sa column na ito na sa isang bayan, lungsod, probinsiya o munisipalidad ay napakahirap talunin sa eleksiyon ang isang incumbent politician candidate.

Si Mayor Calixto at ang sister niyang si incumbent Pasay City congresswoman Emi Calixto-Rubiano ay masasabing kompleto sa political machineries, sa leaders, sa political advisers at sa political funds.

Kaya sa siyudad ng Pasay, konsehal na lamang rito ang pinaglalabanan sa May 2016 national at local elections.

Sa panahon ngayon na bago na ang iba’t ibang uri ng teknolohiya, hindi na uso ang ‘bulok na style’ na paninira ng isang kandidato sa kanyang makakatunggali. Wala nang naniniwala sa ganoong uri ng pamomolitika!

Mabuti pa ang “The Tailor” ng Malibay na si Ginoong Marcelo Romulo na laging lumalahok tuwing may political exercises. Solong-solo niya ang Pasay kahit ilang beses na siyang talunan sa halalan.

Gen. Albano appeals to NUP for seriousness in performing their jobs

“TAKE this job seriously and treat every task given to you with confidentiality,” PRO4A RD Chief Supt. Richard A Albano said in his message delivered over the fourteen newly appointed Non-Uniformed Personnel (NUP) of Police Regional Office 4A (CALABARZON).

The 14 NUP took their oath last November 20, 2015 at the Regional Director’s Office administered by general Albano after having been presented by Deputy Regional Director for Operations (DRDO) by Senior Supt. Romulo Sapitula.

Present also during the said activity were Regional Chief Directorial Staff Senior Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, Deputy Regional Personnel Human Resource Development Division; Senior Supt. Manuel J. Abrugena and others PRO CALABARZON personnel.

The PRO4A Regional Director further extends his congratulations to the newly appointed personnel of PRO4A citing that this day is the beginning of their journey towards a more challenging and demanding job as members of the Non-Uniformed Personnel of the Philippine National Police.

“Your entry into the organization should be paid back with your sacrifices, dedication and commitment in realizing our vision to promote public safety and order in the entire nation,” Albano stressed.

The newly appointed NUP were designated as Administrative Aide and Administrative Assistants and will perform clerical and administrative works.

This year, PRO CALABARZON hired a total of Two Hundred Eighty (280) Non-Uniformed Personnel, according to the PRO4A-Regional Public Information Office (RPPIO).

Pahaging lang!!! Palundag ni Edison sa Guagua, Pampanga

WALA raw aksiyong ginagawa ang local na Philippine National Police sa bayan ng Guagua sa Pampanga sa pasugal na dropballs na inilatag ng isang Edison G., sa nasabing bayan.

Sa mga taga-Guagua, Pampanga, kung wala kayong maasahan sa mga local government units (LGU) sa inyong lugar, kayo na po ang gumiba sa pasugalan ni Edison. Magdala kayo ng bareta at maso at gawin ninyong panggatong ang mga mesa ng dropballs.

* * *

SA Dasmariñas City, Cavite, nakaugalian na raw na tuwing nalalapit ang Pasko may nagtatayo raw ng perya-sugalan sa isang vacant lot sa may Stoplight ng Dasma at sa isang bakanteng lote sa Aguinaldo Highway sa Dasma na sakop ng Salitran.

Sino kaya ang bangkero?

About Mario Alcala

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *