Friday , November 15 2024

Biyaherong traders sa Q Mart paborito ng mga tanod?

00 aksyon almarTOTOO kayang talamak ang pangongotong sa mga kababayan natin nagbabagsak ng mga kalakal tulad ng prutas, gulay at iba pa sa Mega Q Mart sa Cubao Quezon City?

Dumaraing kasi ang mga nagbabagsak ng kalakal na kinokotongan sila – hindi pulis o tauhan ng Mega Q Mart ang kanilang itinuturong nanggigipit sa kanila kundi ang mga barangay tanod ng Barangay E. Rodriguez, Cubao, Quezon City na nakatalaga sa palengke para tumulong sa kaayusan ng daloy ng mga sasakyan sa mga lansangan na nakapalibot sa palengke.      

Katunayan, napaulat na ang hinggil sa kotongan  sa mga biyahero – kinokotongan daw sila ng P300 bawat isang truck o bawat delivery van na nagbabagsak ng kalakal sa  palengke.

Paano kasi sa kalsada sila nakahimpil kapag nagdidiskarga ng kanilang mga prutas, gulay at iba ang mga biyahero.

Hayun para mabigyan ng leksiyon ang mga tanod tumakbo sa Office of the Ombudsman ang mga biyahero. Kinasuhan ang mga tanod.

Aba mukhang totoo nga yata ang kotongan blues dahil kung hindi, marahil ay hindi maglalakas-loob na magreklamo sa Ombudsman ang mga biyahero. Masyado na yata silang nasasaktan.

Ang mga kinasuhan ay sina Traffic Ex-O Wilmer Peñaflor, Barangay Public Safety Officer (BPSO) Joel Canonoy, Marlon Tadeo at Ogie Pineda.

Brgy. Chairman Marciano Agua Jr., hindi pa ba nakararating sa inyo ang reklamo laban sa mga tanod ninyo?

Akalain ninyo, kung may katotohanan  ang sumbong ng mga biyahero, masasabing tiba-tiba ang mga tanod dahil ilang truck, van, etc., ang nagbabagsak ng kalakal sa Mega Q Mart sa loob ng isang araw, isa, dalawa, tatlo? Hindi lang siguro kundi  baka umaabot ito ng hanggang sampu. Kaya kung susumahin, aba’y sa P300 kada truck.  Lumalabas P3,000 sa loob ng isang araw. E sa loob ng isang buwan bale magkano? Iyan lang naman ay kung totoo ang pangongotong ng mga tanod ni Tserman.

Batay sa sinumpaang salaysay ng mga biyaherong sina Marilyn Almares, Mark Reil Comia, Hermogens Untalan at Larry Suares, vendor, noong Nobyembre 5, 2015, ng hatinggabi, nagbaba sila ng kanilang mga kalakal na dalandan sa lugar nang  dumating ang grupo ni Tadeo sakay ng kanilang Service Patrol Vehicle.

Isa sa kasama ni Tadeo ang lumapit at hinihingan sila ng P300 bawat delivery truck dahil ilegal daw ang kanilang ginagawang pagbaba ng paninda.

Itinanong ng mga nagrereklamo kung para saan ang P300. Heto raw ang sabi ni Pineda…kung mayroon kayong reklamo ay pumunta na lang sila sa tanggapan ni Kapitan Agua alyas  Kap. Lakay.

Dagdag pa raw ni Pineda, kung hindi sila magbibigay ay titiketan at ipapahatak ang kanilang mga sasakyan. Sa kalsada kasi nakahimpil ang mga delivery truck.

Iyan ang reklamo ng mga biyahero laban sa mga tanod. Mga tanod lang ba ang kinasuhan? Hindi kundi maging si kapitan ay isinama sa kaso. Paano kasi ginamit ang pangalan ni Kapitan. Kaya, isinabit ang opisyal.

Pero unfair kay Kapitan, mayroon nga ba siyang kinalaman sa akusasyon? Pangalan niya kasi ang gamit daw ng mga tanod. Ano sa tingin ninyo?

Ano pa man, dapat maimbestigahan pa rin ito para sa ikalilinaw nang lahat. Nasa Ombudsman na ang baraha.

Nakakalap din tayo ng info na  itinanggi ni Kapitan Agua ang akusasyon. Aniya daw, wala siyang kinalaman sa kotongan. Well, pwedeng nagamit lang ang pangalan ni Kapitan. Sana nga gano’n lang.

Pero hindi raw pinalampas ni Kapitan ang napaulat, agad niyang pinagsisibak sa puwesto ang mga tanod na nakatalaga sa Q Mart habang kanilang  iniimbestigahan ang reklamo laban sa mga tanod.

Bukod dito, bago pa raw ang pagrereklamo sa Ombudsman, humingi na ng tulong si Kapitan Agua sa DPOS sa opisina ni Gen. Elmo San Diego para tulungan siya sa paglilinis sa mga lansangan sa Q Mart laban sa mga delivery truck na ilegal na nakahimpil sa mga lansangan sa lugar.

Nagkakatrapik daw sa lugar kapag nagbababa sila ng kalakal. Teka ang reklamo ba ay nakarating na kaya sa kaalaman ni  QC Mayor Herbert Bautista? Parekoy, dapat siguro magsagawa rin ng imbestigasyon ang inyong opisina hinggil sa kotongan sa Q Mart lalo na’t maging si Tserman ay isinasangkot.

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *