Friday , November 15 2024

Sana gaganda buhay ni Juan after ng APEC-tado

00 pulis joeyBACK to normal ang mga kalye ngayon sa Maynila. Open na! Tapos na kasi ang APEC, na talaga naman ang tindi ng epekto sa hanapbuhay at negosyo ng marami.

Ang airlines nga raw ay bilyones ang nalugi. Kasi kinansela lahat ng flights nila sa NAIA. Kaya pati kami sa publication ay hindi nakapagpadala ng kopya ng mga diario sa Visayas at Mindanao ng tatlong araw.

Karamihan nga ng business establishments sa Maynila kahapon ay sarado. Pati ang bakery na bilihan namin ng pan de coco ay sarado. Pati ang Palawan para sa pagpadala ng pera para sa emergency sa probinsiya ay sarado.

Text sa akin ng isang kaibigan sa Boracay, zero income daw sila kahapon. Wala raw kasi turista na dumating, kasi wala ngang flights. Hehehe…

Pero tanggap natin ito. Dahil umaasa tayo na pagkatapos nitong APEC, na dinaluhan ng 21 lider ng iba’t ibang bansa, ay magbibigay sa ating mga kababayang jobless ng trabaho.

Magbibigay daw kasi ng maraming negosyo sa bansa itong APEC. Sana nga…

Sana nga ay maibalik at tutubo pa tayo higit sa P10 billion taxpayers money na ginastos ng ating gobyerno sa APEC na ‘yan. Wish ko lang!

Hilo talilok ang mga driver sa APEC

– Put… ina nila… lintek na APEC yan. Pati tulay dito sa Sta. Cruz papuntang Lawton sinarahan narin. Eto hilo talilok ang mga driver, ‘di malaman saan lulusot. Grabe kawalanghiyaan yan. Sana habang nandito APEC lumindol ng todo kungsaan sila naroon. Mga Put… ina nila! – Juan po ng Tondo

Kahapon ito nangyari. Kung bakit naman kasi dito sa Maynila pa ginanap itong APEC. Dapat doon uli sa Subic ginawa tulad noong panahon ni Fidel V. Ramos. Pasikat kasi itong si PNoy e.

Reklamo ng sekyu  Sa kanyang agency

– Sir Joey, pakitingnan naman po itong dalawang security agency ko na St. Ildefonsus sa may Fedham suites sa Salcedo, Makati. Pag-aari ito ni RM na ex-NBI at AV na optr. mngr. Wala po kasi kaming SSS, Pagibig, Philhealth at tax… OT at wala sa minimum. Pinahihirapan din kami sumahod at pinupuersa kami mag-duty ng 48 hrs. Tapos ‘di pa binibigay ung orig documents ko, nagtuturuan kung sino may hawak. Pati po BMD at MBD pag-aari ni Sultan D. sa Cambridge, Cubao ang dami pinapapirma na contract, lagi mga 3 at puro pirma ang pinagagawa sa amin bago ka bigyan ng duty at wala rin benepisyo at pati lisensya ng baril paso din pinagagamit. – 0943570…

Kailangan ninyong mag-file ng formal complaint sa Dep’t of Labor tungkol sa inyong problema. Ang problema sa SSS ay kailangan nyo ring personal na idulog sa SSS office. Aaksiyunan agad yan kapag inireklamo ninyo sa mga naturang agency. Para naman sa mga may-ari na mga nasabing security agency, paliwanagan nyo nalang ang inyong mga tao para hindi na umabot pa sa korte. Peace!

Sana lahat ng senior citizen may P1K monthly

– Sir Joey, sana lahat ng senior citizens walang pinipili na bigyan ng allowance P1,000 kada buwan. Dapat ang lahat ng namumuno ay pumunta sa “Department of Common Sense” ni Mar Roxas. Sana wag gawin at wag magpatumpik tumpik. Salamat po. – Col. Estrella

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About Joey Venancio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *