NANG una naming marinig iyong sinasabi nilang cultural film na Babaylan, naging interesado kami dahil iyan ay may kinalaman sa history ng ating bansa. Pero ang itinatanong nga namin, paano ba nila inilalarawan ang mga babaylan?
Kung pag-aaralan mo sa history, iyang mga babaylan ay mga lider ispiritual ng mga naunang lahing dumarayo sa Pilipinas, na nagmula naman sa Shri Vishayan Empire. Sila ay namuhay sa mga isla nating kilala ngayong Visaya.
Ayon sa mga tala, karamihan sa mga babaylan ay mga bakla. Kasi sinasabing ang paniniwala ng mga sinaunang tao, nasa kanila ang damdamin ng babae at lalaki, at dahil doon ay mas malawak ang kanilang pang-unawa, hindi lang sa tao kundi sa lahat ng bagay. Kaya nga ang tanong namin noong una, bakit ang bida ay si Derrick Monasterio, na walang duda namang tunay na lalaki.
Pero maganda ang kuwento sa amin ni Derrick. Matagal daw niyang pinag-aralan ang role. On his own, gumawa rin siya ng sariling research tungkol sa mga babaylan. Tama naman ang sinasabi niya kaya alam mong pinag-aralan nga niya. At naniniwala raw siyang nabigyan niya ng buhay ang kanyang role.
Pinag-aaralan naman daw niya ang lahat ng roles na kanyang ginagawa.