Saturday , November 23 2024

2 pang barko ang ipinangako ni US Pres. Obama

CRIME BUSTER LOGODALAWA pang barko na magagamit umano sa navigational patrol ng  Philipppine Navy ang ipinangakong ibibigay ni US President Barack Obama sa bansang Filipinas.

Ginawa ng pangulo ng Amerika ang kanyang pangako nang dalawin at magsalita siya sa mga opisyales at crew ng barkong BRP Gregorio del Pilar na noon ay nakadaong sa south harbor.

Si Obama ay dumating sa Maynila lulan ng sophisticated na Airforce One noong Martes ng umaga para dumalo sa Asian Pacific Economic Cooperation (APEC) 2015.

Dumalo rin sa nasabing world leaders summit ang mga pinuno ng bansang Russia, Japan, Singapore, Peru, Papua New Guinea, China, Vietnam, South Korea,Indonesia, Mexico, Chile, at iba pang bansang kasapi sa APEC.

Inihayag ng palasyo ng Malacañan na nasa P10 billion budget ang inilaan ng ating gobyerno para sa ilang araw na APEC 2015 meetings na dinaluhan pa ng iba’t ibang negosyante at delegasyon.

He, he, he!!! Iba talaga ang United States of Amerika, laging may dalang panuhol sa ating gobyerno.

Nasaan ang hustisya?

TWELVE days na ang nakalilipas simula nang paslangin ng motorcycle riding gunman ang barangay kagawad na si Rolando “Boy Pecho” Enriguez, 55, sa bahagi ng Capitol Restaurant sa Barangay Malibay sa Pasay City noong gabi ng Nobyembre 7.

Sa pag-atake ng riding in tandem gunman, tinamaan din ng bala si Emilio Elmedo at barangay tanod na si Benigno Lagume.

Simula ng barilin at mapatay si Enriquez, wala pang nakakamit na hustisya ang kanyang pamilya. Unsolved ang krimen.

Kapag natapos ang renovation sa Pasay City Hall

LAST week ay napadaan ako sa gusali ng Pasay City Hall na nasa F.B. Harrison Street.

Nagulat ako sa pagpasok ko sa loob ng gusali. Ipina-renovate pala ni Mayor Tony Calixto ang ilang dekada ng munisipyo.

Ang napansin ko ay malayong-malayo na ang design sa lumang gusali ng Pasay City Hall. Ika nga, medyo state of the art na ang dating sa aking paningin lalo na sa ground floor ng munisipyo. Ang dating press office sa ground floor, may sarili ng comfort room at transparent glass na ang pintuan.

Anyway, ang proyekto ay bahagi ng administrasyon ni Mayor Calixto. Mga taxpayers naman ang makikinabang.

Outside Pasay

NABALITAAN ko na inire-assigned outside Pasay City police station ang kaibigan kong si Sgt. Enteng Perez. Sa bayan daw ng Pateros siya inilipat. Bakit kaya???

Padaplis lang!!! VK sa Cavite

NAGKALAT daw sa ilang barangay sa Bacoor City, Cavite ang devil machines na video karera na mas kilala sa bansag na VK. Si Junel daw ang mas nakakaalam. May follow up.

Sa San Pedro City, Laguna, isang lamesa ng dropball at isang lamesa ng color games ang inilatag ni bangker Roa sa teritoryo ni mayor at ni hepe.

Sino kaya ang nagbigay ng permit kay Roa para makapaglatag ng sugalan sa San Pedro City, Laguna?

About Mario Alcala

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *