Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga taong kalye itinago dahil sa APEC?

00 firing line robert roqueSa tuwing magkakaroon ng malaking kaganapan sa bansa ay nagkakataon lang ba na pinaaalis ang mga taong walang sariling tahanan, at naninirahan sa lansangan na daraanan ng kilalang dayuhang bisita?

Nang bumisita si Pope Francis sa bansa noong Enero ay nabatikos ang gobyerno nang amining inalis ang higit-kumulang 490 naninirahan sa mga lansangan ng Maynila, at inilipat sa maayos na tuluyan para dumalo umano sa “orientation” at “outing”.

Ngayon ay abala ang Pilipinas sa isinasagawang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit na dinadaluhan ni US President Barack Obama at ng mga pinuno ng bansang Canada, Australia, Japan, China at ibang world leaders, pati na ng kanilang mga delegado.

Noong isang linggo ay naulat na may mga taong walang tahanan na pinangakuan ng pagkain, grocery, at walang kaalam-alam na dadalhin sila sa Manila Boystown Complex sa Parang, Marikina isang linggo bago mag-APEC. Nadaragdagan pa raw ang mga taong kalye kahit bigo ang gobyerno na magbigay sa kanila ng damit at makakain.

Naulat din na pinalayas ng mga awtoridad ang mga vendor at taong lansangan sa may Baywalk at Roxas Boulevard nang dahil sa APEC. Kapag naabutan daw ang mga vendor ay hahatakin ang kanilang paninda.

Binigyan daw ang bawat pamilya ng P4,000 para lisanin ang lugar pero ayon kay DSWD Secretary Dinky Soliman, hindi ito dahil sa APEC. Ang pera na ibinigay raw sa kanila ay mula sa Modified Conditional Cash Transfer Program na kanilang ginagawa mula noong 2013.

Pero bakit tiyempong ipinatutupad ang programang ito tuwing may bigating bisita ang bansa?

Nauunawaan natin kung ayaw ng gobyerno na mapahiya sa dayuhang makakikita ng mga maralita na naninirahan sa lansangan. Pero ito ay isang katotohanan na hindi nila matatakasan.

Sa halip na palagiang itinatago at ikinahihiya kapag may bisita, bakit hindi sila bigyan ng lugar na matutuluyan at kabuhayan para matulungan silang makaahon sa kahirapan ng buhay?

Sa patuloy na pagtatago sa kanila ay lalong napupulaan ang bansa dahil sa pagiging plastik at mapagkunwari sa antas ng problema ng karalitaan sa ating paligid. Pero sa pangungutang ay ang lalakas ng loob at walang ikinahihiya ang ating mga opisyal kahit kaninong dayuhan sila humarap.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …