Wednesday , September 27 2023

4 paslit todas sa sunog

ILOILO CITY – Patay ang apat na bata nang makulong sa nasunog na bahay kamakalawa sa lungsod na ito.

Nangyari ang insidente sa Poblacion, Nueva Valencia, Guimaras.

Ayon kay PO2 Elmar Tolledo, natutulog ang mga biktimang magpipinsan na kinabibilangan ng dalawang 4-anyos, isang 5-anyos, at isang 10-anyos, nang maganap ang insidente.

Nagkataon na wala ang kanilang mga magulang sa bahay dahil nagbantay sa kanilang may sakit na lola sa ospital.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa posibleng pinagmulan ng apoy

25 bahay natupok sa Navotas (Bata naglaro ng posporo)

MAHIGIT sa 50 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang lamunin ng apoy ang 25 bahay kamakalawa ng umaga sa Navotas City.

Tatlong residente ang dumanas nang bahagyang paso sa braso at katawan sa insidente na kinilalang sina Nilda Senco, 45; Roland Roxas, 41, at RJ Abayari, isinugod sa Navotas City Hospital.

Batay sa ulat ni FO3 Mark Luberiano, arson investigator, dakong 11:53 a.m. nang magsimulang lamunin ng apoy ang bahay ng isang Apple Furlin dahil sa pinaglaruang posporo ng kanyang anak.

Mabilis na kumalat ang apoy sa katabing kabahayan na pawang yari sa light materials na nagresulta sa pagkatupok ng mga ito.

Mabilis na nailikas ang mga nasunugan sa Navotas Elementary School.

Aabot sa mahigit sa P300,000 halaga ng mga ari-arian ang natupok sa sunog na umabot sa 3rd alarm bago naapula ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection at fire volunteer na nahirapang pumasok sa lugar dahil sa maliliit na daan.

About Rommel Sales

Check Also

Gun Fire

Ex-CSU ng Malabon namaril ng sekyu

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang security guard matapos barilin ng dating kawani ng Malabon City …

Las Piñas City hall

Medical mission sa Las Piñas City 

ISINAGAWA ng Las Piñas local government unit (LGU) ang libreng serbisyong medikal. Kahapon nagsagawa ang …

nbp bilibid

Sa Bilibid, Munti
51 gramo ng shabu nabuking sa dalaw na bebot

HIGIT pang pinaigting ng Bureau of Corrections (BuCor) ang kampanya kontra ilegal na droga at …

Kahit na-hacked
Serbisyo ng PhilHealth tuloy

INIANUNSIYO kahapon ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na patuloy pa rin ang kanilang operasyon, …

ltfrb

Bastos na driver,  may kalalagyan — LTFRB

INILUNSAD kahapon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang malawakang kampanya laban sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *