Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mother Lily, umaasang kikita rin ang No Boyfriend Since Birth tulad ng PreNup

111015 NBSB

00 fact sheet reggeeKAYA naman pala masaya ang mood ng Regal Matriarch na si Mother Lily Monteverde isama pa ang anak nitong producer na si Roselle Monteverde-Teo dahil kumita ng P110-M ang PreNup movie nina Sam Milby at Jennylyn Mercado na produced ng Regal Entertainment at idinirehe naman ni Jun Robles Lana.

Sulit ang gastos at pagod ng grupo sa New York City, USA noong nag-shooting sila. Umaasa rin si Mother Lily na kumita ang No Boyfriend Since Birth na ipalalabas na bukas, Miyerkoles na pagbibidahan nina Tom Rodriguez at Carla Abellana na si Jose Javier Reyes naman ang direktor.

Nakatatawa ang pelikula Ateng Maricris lalo na si Carla na parang lumusog sa pelikula o sadyang pinataba para sa papel niyang desperadang magkaroon ng boyfriend. Ang No Boyfriend Since Birth ay para sa mga babaeng naghahanap ng boyfriend na dahil sa depresyon ay nagpahula at inasahan ang sinabi ng manghuhula na makatutuluyan niya ang lalaking gusto niya sa tamang panahon.

High school crush ni Carla si Tom na hindi naman nararamdaman na type siya ng dalaga. Si Mike Tan na school mate rin nila ang may gusto kay Carla pero dine-deadma niya kasi nga si Tom ang gusto. Sa school fair ay may kinuntiyabang fake na manghuhula si Mike para kunwaring hulaan si Carla na may lalaking magkakagusto at makakatuluyan niya pagka-graduate nila ng college. Inasahan ni Carla na si Tom iyon, pero si Mike pala. Hanggang sa muling nagkita sina Carla at Tom pero iba ang napag-uusapan nila pero asang-asa pa rin ang aktres na mapapansin siya ng aktor.

Nagkaroon ng high school reunion at aksidenteng nakita ni Carla ang pekeng manghuhula at ibinuking kung sino ang nagbayad sa kanya para hulaan siya, si Mike. As expected, masaya ang ending ng No Boyfriend Since Birth dahil sina Carla at Tom din naman ang nagkatuluyan sa huli.

Nakadagdag sa nakatatawang eksena sina Carla at Tom na parating nagdidiskusyon, mala-aso’t pusa na hindi magtagpo kung ano talaga ang hinahanap. Ang galing talagang artista ni Mylene Dizon bilang isang designer na si Ms M (Maleficent) na walang ginawa kundi hamakin at hiyain si Carla na sa kabila niyon ay gustong-gusto niya ang dalaga.

Malaking tulong din sina Bangs Garcia at Ricci Tan bilang mga kaibigan ni Carla dahil sila ang tagapayo at tagapakinig ng dalaga sa mga hinaing niya kay Tom. Kasama rin sina Al Tantay at Arlene Muhlach bilang magulang ni Carla.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …