Friday , November 15 2024

Giyera ni Gen. Tinio vs carjackers tagumpay!

00 aksyon almarWALA na ba kayong kadala-dala? Ano pa ba ang hinihintay ninyo? Ang tuluyang magpapantay ang inyong dalawang paa? Alalahanin ninyo, iisa lang ang buhay natin at maiksi lang ito, kaya gamitin nang tama.

Tinutukoy natin ang mga naliligaw ng landas – lalo ang mga kriminal na patuloy sa pagsunod sa bulong sa kanila ni Taning. Kaya hindi pa huli ang lahat, puwede pa kayong magbago o kung anomang binabalak ninyong kasamaan ngayon ay huwag na ninyong ituloy pa.

Kailaman ay hindi nagtatagumpay ang kasamaan.

Heto nga, muling napatunayan ng Quezon City Police District (QCPD) na ang kasamaan ay may hangganan. Buti na lamang at kadalasan, nawawakasan ng QCPD ang kasamaan bunga ng direktiba ni Chief Supt. Edgardo G. Tinio, QCPD Director, na sugpuin ang kriminalidad sa pamamagitan ng pagpapatupad sa kampanya ng Philippine National Police (PNP) na “Lambat Sibat” at iba pa.

Hindi naman lingid sa kaalaman natin na simula nang maupong director si Gen. Tinio, halos hindi na rin mabilang sa mga daliri ang naging matagumpay na operasyon ng QCPD lalo na sa droga at maging laban sa carjackers.

Nitong nagdaang linggo, sa loob ng 26 oras bunga ng magandang leadership ni Gen. Tinio, nalutas agad nina QCPD Batasan Police Station 6 Station Commander, Supt. Robert Sales, at ng kanyang mga tauhan ang naganap na pagtangay sa isang Toyota Vios (AAY 3713) sa Brgy. Silangan, Cubao, QC. Tinangay ang kotse dakong 3:50 am ng Nobyembre 5, 2015 at nabawi kinabukasan dakong 6am sa Brgy. Holy Spirit.

Ayon kay Sales, makaraang matanggap niya ang alarma hinggil sa kotse, agad niyang pinakilos ang kanyang mga tauhan na magsagawa ng checkpoint sa mga lugar na puwedeng daanan ng mga suspek. Bukod dito, pinagpatrolya din agad ang kanyang mga tauhan sa AOR ng PS 6.

Nang makatanggap naman ng info ang PS 6 sa asset na kinaroroonan ng kotse, hindi sinayang nina Sales ang bawat sandali. Namataan nila ang kotse sa harap ng tinutuluyang bahay ni Elmer Buenavista sa Santa Catalina St., Brgy. Holy Spirit. Nagresulta ito sa pagkaaresto ni Buenavista (na tinangka pang tumakas) hanggang tuluyang marekober ang kotse.

Masuuwerteng Buenavista, mabuti na lamang hindi nanlaban kundi…pantay na sana ang kanyang paa mo Hehehehe…

Sa presinto, ikinanta ni Buenavista ang kasabwat niyang si Nemesio Apolonio Jr., na nadakip din sa bahay ni Elmer.

Good work! Iyan ang QCPD sa ilalim ng leadership ni Gen. Tinio, laging alerto laban sa kriminalidad. Congrats! Kaya hindi tayo magtataka kung sa susunod na taon ay tanghaling best police district na naman ang QCPD.

Sa inyo din Supt. Sales, sampu ng mga tauhan mong laging nakaalerto na sina Sr. Insp. Paterno Domondo Jr; SPO2 Marlon Gammad;  SPO1 Felino Nebato; POs3 June Abogado, Marlou Andal, Caesar Nasno, Nonilon Labera, Elmer Mata, Robert Lee Patricio, Exequiel Arevalo , Alipio Villareal, POs2 Natividad Alexander, Jeremy Felix, Alex Domingo, Voltaire Olivas at PO1 Rino Agader, ang gagaling ninyo!

Congrats PS 6. Good job!

Meron pa mga kabayan, huli din ng QCPD ang tinaguriang carnap queen! Abangan! Trabaho naman ni Supt. Jay Agcaoili, hepe ng QCPD – DSOU.

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *