Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarah sa usaping sila na ni Matteo ang magkakatuluyan: Only God knows

052615 sarah matteo

00 fact sheet reggeeGRABE, Ateng Maricris, ilang araw pa lang inilabas ang Sarah Geronimo From The Top Concert ay sold out na agad ang tickets mula tuktok hanggang sa pinakababa ng Smart Araneta Coliseum na mapapanood sa Disyembre 4.

Kung hindi kami nagkakamali ay parang sina Sarah at Daniel Padilla lang yata ang naringgan naming nag sold-out kaagad ang tickets ilang araw ilabas sa ticketnet.

Sa ginanap na one-on-one interview kay Sarah ay natanong siya kung ano ang ini-expect niya 10 years from now? ”Siguro po may family na at may mga anak na,” kaswal na sagot ng singer/actress.

Tinanong kung ilang anak ang gusto niya, ”hmm, depende po, basta gusto ko po, isang girl at isang boy, puwedeng tatlo (anak) lahat,”  napangiting sabi pa ni Sarah.

Gusto ba niyang si Matteo Guidicelli na ang makatuluyan niya.

“Ako po oo, pero hindi natin hawak ang mangyayari kaya in God’s time lahat,” sabi ulit ng singer/actress.

Samantala, itinanggi naman ni Sarah ang tsikang nagselos siya kayShaina Magdayao na nali-link ngayon kay Matteo dahil magkasama sila sa isang programa sa Cinema One.

Oo nga, kilala namin si Matteo na hindi siya kaliwete at si Shaina naman ay hindi pumapatol sa may sabit na.

As of now ay very much in love sina Sarah at Matteo at sa katunayan ay magkasama sila noong weekend sa Bonifacio Global City at sweet na sweet daw sila.

Anyway, ang From The Top concert ay presented ng Cebuana Lhuiller, Globe, Oppo, Jollibee, Belo Essentials, JAG, Manulife, at Xeleb, major sponsors naman ang Extreme Magic Sing, Charmee, Sangobion, Michaela, at SMDC at minor sponsor naman ang San San at Champion.

Ang From The Top ay ididirehe ni Paolo Valenciano at musical director naman si Louie Ocampo produced ng Viva Live, Inc.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …