Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

OFWs apektado nasa ‘laglag-bala’ sa NAIA

00 pulis joeySOBRANG perhuwisyo na ang dulot sa ating overseas Filipino workers (OFWs) nitong isyu ng “laglag-bala” sa ating paliparan – Ninoy Aquino International Airport o NAIA.

Sa mga nababasa ko sa iba’t ibang websites, sinasabi ng  OFWs na nakararanas na sila ng pambu-bully ng ibang lahi. Kaya para makaiwas at hindi sila mapaaway, hindi na raw muna sila lumalabas o namamasyal

Ang iba naman na gusto sanang magbakasyon ngayong Kapaskuhan ay nagdesisyong hindi na muna sila uuwi.

Kitam! Grabeng perhuwisyo na talaga sa ating OFWs ng mga tarantado’t gago nating kababayan na nagtatanim ng bala sa mga bagahe ng pasahero riyan sa NAIA.

Department of Transportation and Communications (DOTC) Sec. Jun Abala este Abaya, Sir, puwede ba papalitan n’yo na ang mga tao ninyo sa airports at papalitan n’yo na rin ang malalabo ninyong CCTV camera, please!

Tigilian n’yo na, Sec. Abala este Abaya, ang mga palusot. Dahil hindi na matatanggap ng ating mga kababayan ang kahit anong paliwanag ninyo. Sibakin at palitan n’yo na ang mga tao riyan!

That’s an order of your boss, Sec!!!

Bigtime tulak natimbog ng MPD-PS 4

– Sir Joey Venancio, magandang hapon! Sir, may nahuli po ngayon (kahapon ng tanghali) ang SAID (Station Anti-Illegal Drugs) ng Station 4 (MPD-Sampaloc) dito sa G. Tuazon, Manila. Bigtime pusher po na nakatira sa Dimasalang, Simoun. “Leklek” ang pangalan. Matangkad na tao, maitim at may bigote. Nahulihan po siya ngayon ng 75 grams. Sana matuluyan na at ‘wag nang makalabas ang taong ito para mahinto na ang droga dito sa amin. Marami na kasing nasisirang buhay ng mga kabataan ngayon dahil sa ilegal na droga. Maraming salamat po. – 0999194….

Paging MPD Director C/Supt. Rolando Nana, Sir! Patutukan lang po ang report na ito. Dahil baka mabangketa lang ang kasong ito. Alam mo na…

Magdamag ang sugalan sa Mabalacat, Pampanga

– Magandang umaga po, Sir Joey. Reklamo ko itong mga pasugalan dito sa sitio Marimar, Sapang Biabas, Mabalacat, Pampanga. Magdamagan ang sugal dito. Ang mga tao rito hindi na nakapagtatrabaho, puros sugal na lang. Pati mga menor de edad nakababad sa sugalan, hindi na nag-aaral. Sana maaksiyonan naman ito kahit ni Kapitan Garcia. Salamat po. – Concerned Citizen

Para sa hepe ng Pililla, Rizal PNP

– Magandang araw, Sir Joey. Sana po mabasa ito ng hepe ng Bagumbayan, Pililla, Rizal. Naaawa po kasi ako sa classmate ko na ni-rape ng kanyang stepfather. Problema po kinakampihan pa ng mama n’ya ‘yung nang-rape sa kanya. Tuloy pa raw ang kaso, sabi ng mga kaibigan ko. Problema po nakalalabas ng kulungan ‘yung rapist, nakikita nga po ng mga classmate ko. Sir, ‘di po ba di puwedeng magpalabas ng preso hangga’t me complainant? No bail po ‘yung kaso. Marami naman po presong puwedeng gawing utusan, ‘yung mga drugs ang kaso. Bakit ‘yun pang rape ang kaso ang ginagawang utusan kaya labas-pasok ng selda? ‘Pag po kasi nakikita ng mga classmate ko na nasa labas ng kulungan ang rapist ay naaawa sila sa klasmeyt namin. Malakas daw po kaso sa hepe ‘yung stepfather na rapist. Sir, pag malakas sa hepe, me ibig sabihin ‘yun, di ba? Me balita nga na nagbibigay daw sa hepe kaya pinapayagan labas-pasok ng kulungan niya. Sana po, Sir Joey, makarating ito sa hepe ng Bagumpayan, Pililla, Rizal PNP. – 0921955….

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joey Venancio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …