Thursday , December 26 2024

OTS ng DoTC bulok ang sistema

CRIME BUSTER LOGOLUMITAW na bulok ang sistema ng pamamalakad ng Department of Transportation and Communication simula nang sumingaw sa airport ang sinasabing mabantot na ‘tanim-bala.’

Iyan palang Office for Transportation Service (OTS) na ang ahensiya at mga tauhan ay nakaangkla sa DoTC ay wala palang sariling investigation team.

Nanghihiram sila ng police investigator sa PNP-Aviation Group na nasa ilalim ng command ni Chief Superintendent Bonifacio “Boyet” Balagtas.

He he he… Simula NAng ma-promote NA heneral si Balagtas ay hindi na siya napapagawi sa Studio 69.

Ang mga tauhan ng OTS ang frontliner sa airport upang i-monitor nila ang mga bagaheng dumaraan sa kanilang binabantayang screening, scanner machine.

Bukod sa mga bala ng baril na kanilang na-scan, namo-monitor kaya nila ang mga illegal na droga tulad ng shabu at cocaine na balak ilusot papasok sa mga airport?

Kung nakalulusot papasok sa airport ang iba’t ibang uri ng kontrabando, may sindikato ng mafia sa airport.

Sa NAIA Terminal 3, maliwanag na may sindikato ng UV Express Service.

Ang mga driver ng UV Express Service nangangalawit ng mga pasahero sa arrival area ng NAIA Terminal 3. May mga fixer silang kasabwat mula sa loob at labas ng airport. Accredited ba sila sa airport?

Sa area ng Pasay at Parañaque City ay mayroong apat na paliparan, ang NAIA Terminal 1, 2, 3 at ang domestic sa Terminal 4. 

Iyan ang mga anino ng airport sa bansang pinamamahalaan ni President Nonoy Aquino.

Pulis pinapatay na ng sindikato

DAPAT maresolba ng command ng Cavite PNP ang ginawang pagpatay sa isa nilang kabaro, kay PO3 Andy Viadumang na miyembro ng Imus, Cavite Police Station.

Sinasabing isang malaking sindikato ang nasa likod ng pagpatay kay PO3 Viadumang. Si Viadumang ay inambus sa isang kalsada sa Barangay Paliparan 3 sa Dasmariñas, Cavite, matapos niyang barilin at mapatay ang umano’y leader ng sindikato na si Noel Latosa.

Last week, isa ring sindikato ang pinaniniwalaang nag-ambush kay SPO3 Corsino sa isang lugar sa Las Piñas City.

Si PO3 Corsino ay miyembro ng  Station Anti-illegal Drugs (SAID-DEU), ng Pasay City police.

Ang pagpatay kay Corsino ay iniuugnay sa isang sindikato ng droga sa Pasay City. Walang pagkakaiba sa kamatayang sinapit ni SPO3 Delfin “Macky” Macario na binaril malapit sa headquarters ng Pasay City Police Station noong Nobyember 18, 2014.

Malupit na ngayon ang sindikato. Wala na silang kinatatakutan!

Cavite pugad ng gambling lords

LARGADO pa rin ang mga mesa ng pasugal na sakla (Spanish card games) nina Randy, Rico, Jay sa mga bayan ng Silang, Dasmariñas, Alfonso, Amadeo, Ternate, Mendez at Magallanes.

Sa Barangay Maricriz sa General Trias, Cavite si Mang Ben ang pakador ng pergalan sa nasabing bayan.

P13.7M multi functional backhoe for Munti LGU infra ops

A P13.7M Terex T4i TLB990 Multi-functional Backhoe Loader was purchased by the City Government of Muntinlupa to speed up infrastructure projects and to help along disaster risk reduction management operations.

Mayor Jaime Fresnedi attended the blessing of the new nine-in-one Backhoe Loader, together with local government officials, during the city’s flag raising rites last November 2.

Fresnedi said the TLB990 backhoe loader is set to boost the City Government’s capacity to deliver more infrastructure developments which will benefit the locals.

The 4-wheel-drive, 4-wheel-steer, 4-equal-wheels heavy equipment has functions that include: loader, digger, grader, bulldozer, grabbing, forklift, backfilling, breaker, and excavator.

The new equipment facilitates more efficient and faster work which will augment manpower in the city’s projects and will be used for river clean-ups such as declogging, desilting, among others.

Fresnedi’s administration continues to improve facilities and equipment procurement for an effective delivery of services to constituents. 

About Mario Alcala

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *