Thursday , December 26 2024

Laglag bala, buko na at panakip sa bukas bagahe?

00 aksyon almarBUKONG-BUKO na kasi ang estilong laglag-bala scam sa NAIA kaya, no choice ang pamunuan na panindigan na ang implementasyon ng panghuhuli. Lamang, obvious na obvious ang ilang insidente. Ikaw ba na magtatrabaho sa abroad para sa kinabukasan ng pamilya mo ay magdadala pa ng aberya sa bagahe mo? Common sense naman, bro.

Ikaw ba naman na isang 65-anyos – sa edad mong iyan at isang babae, magdadala ka pa ba ng bala sa bagahe mo?

Kaya dahil buko na ang raket ng ilan sa NAIA, kailangan panindigan nila ang manghuli. Buti naman at may mga nahuhuli na umamin may dala silang bala “anting-anting” daw. E paano naman iyong mga totoong biktima lalo na ang matatanda na o may kapansanan? Magdadala ba sila ng bala sa paliparan?

Kaya para magkaalaman, ang dapat na gawin diyan ay kompiskahin ang mga cellphone ng mga taga-Office of Transport Security (OTS) para sa isang imbestigasyon. I-revive ang lahat ng mensahe ng kanilang CP para mabuko kung sino ang mga gumagawa ng laglag-bala. Makikita sa CP ang lahat ng mensahe lalo na ang kanilang transaksyon sa kanilang kasabwat.

Sa pag-aaral, pag-iimbestiga sa mga mensahe, mabubuko kung sino ang mga nasa likod ng laglag – bala.

Teka, mukhang nakalimutan na yata ang unang isyu sa NAIA, ang bukas bagahe. Ano na ang nangyari sa mga nabiktimang OFW o mga balikbayan? Nadakip at nakasuhan na ba ang mga nasa likod ng bukas bagahe?

Wala nang balita hinggil dito. Hindi kaya pinaputok ang laglag-bala para pagtakpan ang bukas bagahe?

Pwede!

Ombudsman takbuhan ng KSP na kandidato?

PARA sa bayan nga ba o para sa sarili? Ang alin? Ang pagsasampa ng kaso sa Office of the Ombudsman ng ilang kandidato laban sa kung sinomang opisyal ng gobyerno o ‘di kaya laban mismo sa pangulo ng bansa.

Totoo nga ba ang kanilang hakbangin – para sa taumbayan ba o para sa sarili?

Kapansin-pansin kasi na sa tuwing nalalapit ang halalan, gasgas na gasgas ang Ombudsman. Nagagamit lang ito… ng kung sinomang kandidato.

Nagiging takbuhan nila ito. Para ano? Para mapansin ng media at ikokober ang kanilang pagsasampa ng kaso.

Siyempre kapag may media, labas ang kanilang estilo sa mga pahayagan, radio at telebisyon. So, ang resulta ay nakikilala sila ng mamamayan. Malalaman ng mamamayan na tatakbo sila o na sila’y kandidato.

Para mapansin, ang ilang kandidato ay nakikisawsaw sa isyu. Kapag isang ahensiya ng pamahalaan ay nababatikos sa kung anong isyu, sinasamantala naman ng ilang kulang sa pansin (KSP) na mga kandidato.

Magsasampa ng kaso sa Ombudsman laban sa mga opisyal ng nababatikos na ahensiya para naman sabihin na may ginagawa ang kandidato…at para naman sabihing kontra siya sa anomaly.

Maraming kandi-kadidato na tumatakbo sa Ombudsman. Mayroon nga riyan — si Pangulong Aquino o Vice President Binay ang kinasuhan. Ba’t sila ang napili. Aba’y news worthy nga naman kasi kung ang dalawang pinakamataas na posisyon sa bansa ang kakasuhan. Kaya, hayun para mapansin, maging ang dalawang nabanggit ay kinakasuhan kahit na alam nilang may immunity naman ang dalawa.

So, malinaw na kulang lang sa pansin ang mga gumagawa nito.

Kaya masasabi nga bang para sa bayan ang pagsasampa nila ng kaso sa Ombudsman? Hehehehe…malinaw ang mensahe na ipinapakita ng mga kandidatong ginagamit ang Ombudsman. Sila’y mga KSP lamang.

Ang mga ganitong uring kandidato ay dapat na ibasura sa araw ng halalan. Marami po silang gumagawa o ginagamit lang ang Ombudsman.

Palibhasa walang nagawa kaya hirap ibenta ang sarili o kung may nagawa man, pulos grandstanding lang naman sila.

So, para mapansin, takbo sa Ombudsman.

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *