Saturday , November 23 2024

Linawan ang CCTV sa labas at entrance ng airport

00 pulis joeyHANGGANG ngayon ay malaking problema pa rin ang kawalan at substandard na CCTV sa labas at entrance ng ating mga paliparan lalo na sa Ninoy Aquino InternationL Airport (NAIA).

Kaya naman ang mga sindikato, na tiyak na kasabwat ng mga airport personnel at operatives sa loob, ay maluwag na nakagagawa ng kanilang mga modus.

Sa aking palagay, ang pagtatanim ng bala sa bagahe o hand bags ng pasahero ay nangyayari sa pila ng mga pasahero sa labas papasok sa entrance.

Posibleng ang miyembro ng sindikato na nagtatanim ng bala sa mga bag ng pasahero ay sumasabay sa pila sa labas. Na kapag nakatiyempo o nakakita ng butas o open sa bagahe o bag na bitbit ng pasahero ay inilalaglag doon. Tapos ay kokontakin ang nasa X-ray machine at ang operatiba na nakabantay dito. Kapag natakot at hindi umalma ang biktima ay hihingan nila ng pitsa. Pero kapag umalma at may media ay kanilang ipapasa sa pulis para i-prosecute.

Kaya ang advise natin sa mga sasakay ng eroplano, pag-alis palang ng bahay ay tingnan na ninyo ang loob at mga  bulsa ng inyong bags. Tapos isara nang mabuti ang zippers nito. Pagdating sa pila ng mga pasahero papasok sa airport, ilagay ang inyong bagahe o bag sa inyong harapan dahil baka nasa likuran lang ninyo ang sindikato ng tanim bala at naghihintay lang ng tiyempo para mailaglag ang bala sa inyong bagahe o bag. Tutukan ito hanggang sa pagpasok at paglabas ng inyong dala-dalahan sa X-ray machine.

Tandaan natin ito, kabayan!

Panawagan sa brgy. Kapitan o mayor ng Catbalogan, Samar

– Sir Joey, ako po ay masugid na tagasubaybay ng inyong pitak. Isa lang po sana ang hihingin ko sa inyo na mabigyan dito ng katahimikan sa lugar namin, dito po sa Pier 2, Catbalogan, Samar. Mabigyan po sana ng solusyon ng aming barangay chairman dito sa Brgy. 4 o ng mayor namin. Puro po nakawan ang nangyayari rito sa lugar namin. Kaso hindi mahuli-huli ang mga magnanakaw. Kasi ang mga nag-uutos ay mga barangay tanod ng karatig barangay. Pati mga wanted dito sa amin ginagawang asset ng mga pulis. Sana mabigyan ito ng aksyon ng aming kapitan lalo na ni Mayor Stephanie Uy. God bless po and advance Merry X’mas. – Concerned citizen

Malala na ang droga sa Zamboanga Sebugay

– Mr. Venancio, malala na po ang droga dito sa amin sa Zamboanga Sebugay. Dahil ito sa pabayang gobyerno. Hindi nila inaaksiyonan ang mga reklamo laban sa ilegal na droga. Sana makarating ito sa pamunuan ng DILG at mabigyan na ng aksyon ang malaking problema namin sa droga rito. – Concerned citizen

Totoo! Kapag pabaya o palpak ang namumuno sa isang bayan, tiyak magiging talamak ang mga ilegal at hindi maayos ang peace and order. Kaya pumili na kayo ng tamang kandidato sa darating na Halalan 2016.

Dapat bigatan ang parusa sa driver na nakagasaga

– Gud day. Dapat pabigatan po ang parusa sa isang driver na nakasagasa. Kasi ang paraan ng mga driver ngayon kung makasagasa sila ng tao at buhay pa, tinutuluyan nila. Kasi mas mababa o maliit lang daw gagastusin kung patay kaysa injured na dadalhin pa sa ospital at malaki ang gastos. Kaya nakatatakot isipin yun. – 093358260…

Tulak na pulis sa Palo, Leyte

– Dito po sa Palo, Leyte, may pulis dito na kilalang tulak ng ilegal na droga. Pero hindi siya dinarakip dahil kamag-anak ni Mayor Petilla at dating DOE Sec. Petilla. Inilipat lang ang tulak na pulis sa Marabut, Samar. Mukha pong pinaboran ito ng dating RD ng PRO8 na si Dolina na nasibak dahil sa rubberboat scam. Ang pulis na tulak ay si SPO4 MP. Pls. don’t publish my number. Paimbestigahan n’yo na lang po. – Concerned citizen

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

About Joey Venancio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *