Thursday , December 26 2024

TF binuo ni Gen. Tinio vs Bernardo killers

00 aksyon almarNAKALULUNGKOT ang nagdaang weekend para sa pamilya ng isang kagawad ng media na atin ngang kinabibilangan.

Isa na naman kasing kapatid sa hanapbuhay ang pinaslang ng dalawang hindi pa nakikilalang ‘salarin’ sakay ng isang motorsiklo sa Quezon City.

Pinagbabaril ng isa sa tandem si Jose Bernardo, correspondent ng radio DWIZ at kolumnista ng Bandera Filipino (isang local weekly tabloid), habang nasa harap ng isang fastfood sa Zabarte Road, Brgy. Kaligayahan, Quezon City.

Ang walang kalaban-labang pagpatay kay Bernardo ay patunay lamang na malala na ang krimen sa bansa. Patunay din ito ng kainutilan ng gobyernong Aquino para sugpuin ang paglobo ng pagpaslang sa mga mamamahayag.

Oo nga’t may mga task force na binuo para habulin at lutasin ang mga krimen na pagpaslang sa mga journalist pero kulang sa galamay ang task force na binuo.

Kung nakalulutas man sila ay tsambahan na lamang o di kaya, nahuli ang suspek dahil sa nasangkot sa ibang kaso.

Halimbawa na lamang ang pagkakahuli sa mga utak sa pagpaslang  kay Ka Gerry Ortega na isa ring mamamahayag, noong 2011. Kung hindi pa sa mga tauhan ng immigration ng Thailand ay hindi pa nadakip o hindi natunton ng mga tumutugis ang sinasabing utak na sina dating Palawan Gov. Joel Reyes at kapatid kanyang na si dating Coron, Palawan Mayor Mario Reyes.

Naging mitsa kasi ng pagdakip ng Thailand government sa magkapatid ang paso nilang visa o pasaporte yata.

Kaya kung hindi sa gobyernong Thailand, hindi nadakip ang dalawa o hanggang ngayon ay nangangapa pa rin sa dilim ang Aquino administration para lutasin ang pagpaslang kay Ortega.

Sa ngayon, marami pang kasamahan sa hanapbuhay na pinaslang,  ang hindi pa nakakakamit ng katarungan – natutulog ang kaso o ang paglutas sa krimen. Hindi kumikilos ang mga itinatag na task force para lutasin ang krimen at sa halip, tila nag-aabang na lamang uli ng tsamba.

Dahil dito, ano naman kaya ang posibilidad na agad makuha ang riding in tandem na nasa likod ng pagpaslang kay Bernardo?

Ano pa man, pagbigyan natin ang mga kinaukulan sa ginagawa nilang hakbangin. Batid naman natin na gagawin naman nila ang lahat para mahuli ang dalawang salarin. 

Kaya agad din kumilos ang Quezon City Police District (QCPD) para sa pagkakakilanlan ng mga salarin o para malaman ang motibo sa pagpaslang.

Nang mangyari ang insidente, nagulat nga ang inyong lingkod dahil tinawagan tayo ni Chief Supt. Edgardo G. Tinio, QCPD Director.

Anang Director, personal din siyang nagpunta sa pinangyarihan at agad na siyang bumuo ng isang task force para sa pagtugis sa mga pumatay kay Bernardo. Pangugunahan ni Chief Insp. Rodelio Marcelo ang grupo. Hiniling din ni Tinio ang tulong ng CIDG Quezon City Field Office para tumulong sa paglutas ng krimen.

Nananawagan si Tinio sa kasamahan sa hanapbuhay lalo na ang malapit sa biktima na makiisa sa QCPD. Magbigay ng impormasyon lalo na kung mayroon silang nalalaman hinggil sa kung sino ang mga nababanatan ng biktima sa kanyang kolum o kung ito ay may naikukuwentong nakatanggap ng death threat.

Naniniwala kasi si Tinio na sa mga impormasyong naipukol sa QCPD  ay maaaring dito sila mag-uumpisa sa imbestigasyon hanggang sa paglutas sa krimen.

Nananawagan din ang opisyal sa pamilya ng yumao na makiisa sa isinasagawang imbestigasyon.

Hawak na rin ng pulisya ang cellphone ni Bernardo – pag-aaralan ng QCPD ang mga huling mensahe na natanggap ng biktima o aalamin kung baka nakatatanggap ng pagbabanta sa kanyang cellphone.

Tulad ng nabanggit, huwag muna natin pangunahan ang QCPD. Naniniwala tayong makukuha ng pulisya sa ilalim ni Gen. Tinio ang mga salarin at para rin matukoy ang utak.

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *