LIHIS nga siguro sa promo ng kanyang pelikulang No Boyfriend Since Birth, nang matanong si Mike Tan kung ano ang masasabi niya sa isang reklamo laban sa director na si Jay Altarejos. Matatandaan kasing nagkaroon din ng problema in the past si Mike sa director na iyon. Iyon ang dahilan kung bakit nawala sa GMA 7 ang director.
Hindi na sumagot si Mike, at sinabi niyang siguro kung may reklamo nga, kailangang tanungin kung ano ang talagang pinagmulan. Pero ayaw na niyang mag-comment pa ng ano man. Halata mong naroroon pa rin sa kanya ang trauma ng kanyang naging karanasan. Ayaw na rin niyang ungkatin kung ano ang hindi magandang karanasan niya sa director pero may mga espekulasyong grabe iyon dahil kung hindi, hindi naman siguro siya aalising director ng kanilang serye, at magmula noon ay wala na rin siyang naging assignment sa network kaya lumipat na siya. Roon naman sa nalipatan niya, inalis nang lahat ang mga serye.
Minsan talaga, hindi nagiging malinaw ang mga problema. Basta magpag-uusapan na lang ang mga reklamo, tapos ay nawawala na lang at sukat. Hindi nagkakaroon ng resolusyon. Kasi ugali naman sa showbiz, tinatabunan nila agad ang mga ganyang issues. Kung kami ang tatanungin, dapat naman magkaroon ng resolusyon ang mga issue para maging fair sa lahat.
HATAWAN – Ed de Leon