Thursday , December 26 2024

Kapag dumarating ang All Saint’s Day

CRIME BUSTER LOGONAPAKAHALAGA sa ating mga Filipino ang pagdiriwang ng All Saint’s Day o ang November 1.

Kapag dumarating ang Undas, lungkot ang nangingibabaw sa ating puso at damdamin sa pagyao ng mga mahal natin sa buhay, kamag-anak o kaibigan.

Alaala ng lumipas ang ating ginugunita sa puntod ng ating mga mahal sa buhay.

Ang sabi nga ng matatanda, lahat tayo ay magiging abo o sa lupa pupunta.

Pero, mahirap makalimutan kung ang isang tao ay naging tunay mong kaibigan o tunay na kasama lalo na sa larangan ng propesyon.

Sa Pasay, ilan na lamang ang natitirang original na Police Pasay. Karamihan sa kanila ay yumao na dahil sa iba’t ibang uri ng problema sa kalusugan.

Pinakahuli ang police na si Chief Inspector Eric Ebon na naging radio reporter rin.

Yumao si Ebon dahil sa sakit sa bato o kidney failure. Sa Saint Therese Church sa Villamor, Pasay City inilagak ang kanyang labi. Hindi nga lamang tayo nakadalaw.

Kamakailan yumao rin dahil sa sakit na diabetes ang kaibigan kong si Police Officer 3 Mike Manarang.

Matagal ko ring naging kasama at kasangga si Manarang lalo na noong siya ay naka-assign na detective sa Station Investigation Division (SID) ng Pasay City police.

Anyway, ganyan talaga ang buhay sa mundong ating ginagalawan.

Ang importante sa akin ay naaalala ko sila sa panahon na ipinagdiriwang ang Undas o ang araw ng mga namatay. Ipinagdarasal ko ang kanilang mga kaluluwa lalo na ang aking namayapang Inay na si Maximina Roño Alcala na 20 taon nang nakalibing sa Kampo Santo sa San Pablo City, Laguna Public Cemetery.

Sa isang dako, buhay na buhay pa rin sa aking alaala ang masasayang araw nang kami ay magkakasama nina Col. Armando Aprid, Col. Emong delos Santos, Capt. Bobby Monsod,  Major Jimmy Avilla, Supt. Ching Eco Sr., Col. Garcia, Capt. Ombong Tesoro, Capt. Rodolfo Rivera, Sgt. Jun Manalo, Sgt. Elmer Pueda, Sgt. Joey Pueda, Sgt. Egay Cordora, Capt. Tano Cedilla, Capt. Ramon Penabella, Sgt. Manny Teano, Sgt. Joseph Nepomuceno, Sgt. Willy Castillo, Sgt. Emong Jalimao, Sgt. Crispin Martinez, Capt. Rodelio Vida, Fred Angeles, Sgt. Ben Gabriana, Supt. Benito Patinio,Tinyente Lito Lacap, Sgt. Mel Aguado, PO3 Arnel Pradez, Sgt. Burt Lazaro, Capt. Manga, Lt. Boy Manlongat, Sgt. Erning Cairo, ang best friend at drinking buddy ko na sina Konsehal Lito Ibay at Tony Fernandez at SPO3 Delfin “Macky” Macario.

Malungkot ang naging kamatayan noon ni Macario. Patraydor siyang binaril ng ‘di nakikilalang gunman sa F.B. Harrison Street, malapit sa Pasay City police headquarters noong gabi ng Nobyembre 28, 2014.

Until now, unsolved ang krimen.

Padaplis lang!!! Open house ang mga perya na may sugalan

NAGPIPIYESTA ngayon sa iba’t ibang probinsiya ang racket na color games at dropballs na ang mga mananaya ay walang kapana-panalo.

Sa Barangay Magsaysay, sa bayan sa likuran ng 7-11 sina Jasmine at Roa ang banker ng sugalan na kapwa matatagpuan sa San Pedro City, Laguna.

Sa Real at sa Pagbilao sa lalawigan ng Quezon sina Charlie Negro at Edith malapit sa palengke  at sa La Suerte.

About Mario Alcala

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *