Friday , November 15 2024

Seryoso si Miriam maging Presidente

00 pulis joeySERYOSO si Senadora Miriam Defensor-Santiago na maging presidente ng Filipinas.

Isa siya sa 130 na naghain ng Certificate of Candidacy sa COMELEC para sa pagka-presidente sa halalan sa Mayo 2016.

Sa kanyang pagsasalita sa harap ng mga negosyante, sa forum ng Philippine Chambers of Commerce and Industry sa Pasay City, inilahad ni Miriam ang mga dapat gawin ng isang presidente ng bansa. At ipinagtanggol niya rin ang kanyang Bise Presidente na si Sen. Bongbong Marcos. Musmos pa aniya si Bongbong noong magdeklara ng Martial Law ang ama.

Oo, seryoso si Miriam sa kanyang pagsabak muli sa presidential race sa 2016.

Ayon sa COMELEC, lima lamang sa 130 presidentiables ang papayagan nilang makasali sa pagpipilian. Ito’y sila  ex-DILG Sec. Mar Roxas, Vice President Jejomar Binay, Senador Grace Poe, Senador Miriam Defensor-Santiago at OFW Partylist Roy Señeres.

Si Miriam ay tumakbo na rin sa pagkapresidente noong 1992, nabiktima siya ng “dagdag-bawas” sa mano-manong canvassing laban kay Fidel V. Ramos na manok noon ng administrasyon ni late Presixdent Cory Aquino, mommy ni PNoy.

Maaalala na sa crucial na proseso ng bilangan ay lamang si Miriam ng higit 5 milyon. Pero dahil sa sunod-sunod na brownout ay naubos ang lamang niya at nalagpasan ni Ramos.

Ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay galit na galit si Miriam kay FVR. Hehehe…

Malakas pa rin ngayon sa mga survey si Miriam. Ang problema lang ay ang kanyang kalusugan. Naging sakitin na kasi siya.

Pinipilit nga siya ng ilang grupo na ilabas ang kanyang medical records matapos mag-file ng CoC, pero todo- tanggi ang Senadora. Karapatan niya naman ito.

Kayo, iboboto n’yo ba uli si Miriam sa Mayo 9? Seryoso siyang maging pangulo ng bansa. Mayroon siyang political will… What do you think? Txt txt txt…

Botante sa mga probinsya dapat e-educate!

– Sir Joey Venancio, talagang may punto kayo sa pagsabing dapat e-educate ng mabuti ang mga botante. Lalong lalo na yung mga botante na nasa probinsiya at nakatira sa mga bario laluna sa sitio at bundok. Marami sa kanila ang ‘di alam ang totoong patnubay sa pagpili ng tamang kandidato.  Kasi kung sino lang yung may matunog na pangalan ng politikong dati pa nila binoboto, yun parin yung iboboto nila. Ayaw nila dun sa mga bagong politiko na may magandang plataporma sana sa bayan, dahil di nila kilala. At aminin man o sa hindi, sa tuwing ilalahad ang mga plataporma ay may ibang pangungusap na ‘di nila naiintindihan ang tamang punto. Ang sa kanila lang kung sino ang matunog na politiko, yun ang iboboto. At dahil isa pa malayo sila sa sibilisasyon kaya di nila wari ang mga totoong kaganapan at isyu lalong lalo na yung mga mamamayan na nasa bukid na malayo sa social media, walang communications like TV, computer at diario. – 09438678…

Ang ibig sabihin ng ating texter ay kandidatong may “name recall” o traditional politician (trapo) ang paulit-ulit na ibinoboto ng mga taga-probinsiya. Oo nga! Kaya hangad natin ay magising at magbago na ang mga botante mula sa mga liblib na pamayanan. Change!

Police nasa likod ng paglaganap ng droga sa Cataraman, N. Samar

–  Magandang araw po, Mr. Venancio. Tungkol po ito sa nabasa naming balita last Oct. 22 sa lugar ng Baybay, Catarman, Northern Samar. Ang totoo po niyan isa sa mga nasa likuran nitong illegal drugs ay isang policewoman na kung tawagin ay “Lola” at isang policeman na si “RD”. Pamanmanan nyo nalang po sa PDEA. Huwag nyo po ilabas ang numero ko. – Concerned citizen

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

About Joey Venancio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *