Huwag maging hambog at mayabang
Jimmy Salgado
October 27, 2015
Opinion
SA MUNDONG ITO, marami ang gustong maging kalabaw ‘pag ang kanilang amo ay nasa mataas na posisyon.
Mga patay gutom kung tawagin at cordon sanitaire na ang gusto ay ikandado ang mga boss nila sa publiko.
May mga taong ipokrita/ipokrito talaga sa Bureau of Customs lalo na kapag nakadikit kay Comm. Bert Lina.
Bukambibig pa… “Nasa poder kami, General nga kinakalaban namin?”
Oh ‘Com on, ang yayabang n’yo naman!?
Tanong sa atin sa Customs, “Pare Jimmy, sino ba ang Commissioner? Si Titus ba? Alma or Bel the ring?
‘E ang alam ko ang Customs Commissioner ay si Bert Lina.
Sa pagkakakilala ko kay Comm. Lina, mabait at madaling kausap at walang kayabang-yabang na tao.
Pero tanong pa nila ulit sa atin, “‘E sir, bakit kasi kami pinagpapasahan at dribble nang dribble ang mga patay gutom na staff na akala mo langaw na nakatuntong sa kalabaw?”
Kung totoo itong report sa akin, bakit kailangan magyabang kayo? Sana the more na nasa power kayo the more na magpakumbaba kayo, ‘di ba?
Pahabol pa sa atin, “Boss Jimmy, may hangin ba si Titus at Alma?”
Kako naman, pagkakaalam ko wala kasi mabait naman ang mga ‘yan. Ang dami ko kaibigan na nasa power noon ‘di naman naging mayabang. Nandiyan ang mga dating chief of staff ng AFP, walang kayabang-yabang; mga hepe ng mga different branches ng AFP, ‘di naman nagyabang; mga dating director ng NBI na mapagkumbaba pero ‘yung ibang nandiyan sa customs, hangin dito hangin doon, karamihan pa contractual!
Dapat nga pinangangalagaan ninyo si Comm. Lina dahil magbo-boomerang sa kanya ang mga style-bulok ninyo.
Ang powerm pansamantala lang, kaya huwag kayong masyadong overacting at sa mundong ito ‘di tayo permanente ‘di ba?
Marami akong kilala na nang-abuso sa power pero nasan na sila ngayon ‘di ba, Titus, Alma at Bel, ringing the bell?
Kudos BOC!
Sunod-sunod ang huli ng Bureau of Customs dahil talagang masisipag sina Comm. Bert Lina, Depcom. Ariel Nepomuceno, Coll. Ed Macabeo, NAIA District Commander Lt. Regie Tuason, Lt. Sherwin Andrada at ang kanyang mga tauhan sa CAIDTF.
Mahuhusay at mga alerto at hindi sila kayang palusutan kahit sino.
Sa dami ng kanilang napatunayan ay talagang hahangaan natin sila.
Kasama pa ang MICP District sa pangunguna ni Coll. Elmir Dela Cruz, District Commander Maj. Jesus Francisco Gutierrez, Lt. Cesar Albano na isa rin masipag at ang kanilang mga tauhan.
Talagang wala silang uurungan basta pag illegal ang kargamento ay tinutuluyan.
Dapat ganyan ang lahat sa Customs na maging estrikto lalo sa smuggling dahil nalulugi ang gobyerno.
Kaya dapat natin suportahan at tulungan ang mga gumagawa nang tama para sa tuwid na daan na patutunguhan ng ating bansa.
Marami pang mga huli sa Bureau of Customs at kasama na rin ang Intelligence Group under the leadership of Depcom Jessie Dellosa at mga District Chiefs.
Lahat ng mga opisyales dito ay nagtutulungan at nagkakaisa laban sa smuggling.
Kaya mag-ingat-ingat ang mga smuggler dahil di kayo tatantanan ng Enforcement Group at Intelligence group.
Mabuhay ang buong Bureau of Customs!
***
Binabati ko pala ang aking kaibigan ng happy-Birthday at wish you all the best, Pareng Yeye Manaois.
Mabuhay ka pare at alam kong isa ka sa nagpapatingkad ng collection performance ng MICP.