Saturday , November 23 2024

“Dolyar” na educ trip dapat pakialaman ng DepEd

00 aksyon almarKAPAG sinabing dolyar, ibig sabihin nito ay mabigat sa bulsa – may kamahalan.

Okey lang naman sana kung ang kapalit ng “dolyar” ay sapat. Mayroon kasi, iyong hindi rasonable ang halaga o lugi kang mamimili o magbabayad. Bukod dito, iyon bang obvious na ‘hinoholdap’ ka. Nakasasama ng loob, ‘di ba?

‘E paano naman ang mga front na educational trip na ang halaga’y “dolyar” para lamang kumita ang pamunuan ng ilang pribadong eskuwelahan.

Hindi puwedeng pakialaman ito ng pamunuan ng Department of Education (DepEd)? Hindi ba puwedeng maglabas ng memorandum ang DepEd Private Schools Division ng isang memorandum hinggil sa kung hanggang magkano ang dapat na bayaran para sa isang educational trip? Iyong bang rasonable.

Grabe… sobrang grabe at obvious na marami o ilan sa pamunuan ng private schools ngayon ay gumagawa lang ng pera sa pamamagitan ng educational trips.

Oo pinagkakaperahan lang ang educ trip. Hindi nga compulsory ang educ trip pero siyempre,  iba ang magulang. Sisikapin ang anak na makasama sa educ trip kahit na ipangutang dahil ayaw naman nilang makita ang anak na malungkot lalo na kapag magkuwentohan na ang mga kaklase niyang nagpuntahan sa educ trip. Out of place ang bata.

Lamang paano naman pasasamahin ang anak sa isang educ trip kung ang bayarin ay “dolyar.” Napakamahal samantala masasabing malapit lang naman ang pupuntahan. Diyan-diyan lang naman – karatig lalawigan ng Metro Manila at walang kakuwenta-kuwentang lugar.

Maraming pribadong school ngayon na sobrang taas maningil para sa educ trip – P2,000 hanggang P3,000 bawat ulo. Hindi naman Baguio City ang pupuntahan o malayo sa Metro Manila kundi, diyan-diyan lang.

Siyempre, kung ganito ang halaga ang singil sa bawat estudyante, ganito rin ang singil sa chaperon.

Bagamat hindi naman compulsory ang chaperon pero ang tanong, basta mo na lang ba ipagkakatiwala sa guro ang anak mong nursery, kinder, grade 1 hanggang grade 3 sa dami ng alaga nila. Paano kung…dahil sa kamahalan ng educ trip ay walang sumamang chaperon at ipinakatiwala na lang sa nag-iisang adviser ang 40 bata, makakayanan kaya ito ng guro? Matitiyak ba niya ang seguridad ng mga bata?

Kaya ang ibang magulang ang ginagawa na lamang nila ay magdala ng sariling sasakyan at sundan ang bus ng anak – nakiki-convoy na lamang sila para tipid nga naman. Sa isang sasakyan, hati-hati ng gasoline ang 4 hanggang 5 magulang.

Pero ang masaklap sa ibang school, ipinagbabawal ang convoy o sundan ang anak gamit ng magulang ang sariling sasakyan.

Dahil dito, napipiltan ang ilang magulang na magbayad ng mahal para sa chaperon ng anak.

Ayos ano, obvious na gumagawa ng pera ang ilang presidente ng pribadong eskuwelahan. Akala mo naman madadala niya/nila ang pera sa kanyang libingan kapag namatay dahil sa sobrang pagsamba sa salapi.

Sa Quezon City, ilang pribadong eskuwelahan ang ‘holdaper’ o gustong gulangin lagi ang mga magulang ng kanilang mga estudyante. Porke alam nilang hindi matitiis ng maraming magulang ang kanilang mga anak, hayun sinasamantala ito.

Kaya, nananawagan tayo sa DepEd, sana’y maglabas ng memorandum hinggil sa educ trip. Kontrolin nila ang halaga nito. Hindi naman pinupulot ng mga magulang ang pambayad sa educ trip kundi pinagpawisan nila ito.

Mantakin ninyo, ilang pamunuan ng schools ay pinagbawalan ang magulang na sundan ang bus service ng anak sa pamamagitan ng sariling sasakyan. Obvious na gusto lang nilang kumita ng mga ganid, hindi ba?

***

Para sa inyong reklamo, komento at suhestiyon, magtext lang sa 09194212599.

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *