STAR studded ang pagsisimula ng isang buwang selebrasyon ng kaarawan ng nag-iisang Mastershowman Kuya Germs Moreno sa Walang Tulugan with the Mastershowman.
Ilan sa mga bumati kay Kuya Germs ay sina Martin Nievera, Ms Gloria Romero, Mark Neuman, Sofia Andres, Vina Morales, Iza Calzado kasama ang kanyang manager na si Noel Ferrer, Dulce, Jonalyn Viray, Mark Mabasa, K-Pop Group Asha at Fame Us, Rez Cortez, Gerphil Flores, Anthony Castelo, Follies De Mwah, at Ms. Nora Aunor.
Hindi naiwasang maiyak ni Kuya Germs sa sobrang kasiyahan at sa mga inihandang awitin ng kanyang mga espesyal na panauhin. Lalo siyang naluha nang kantahan siya ng Asia’s Got Talent Finalist na si Gerphil Flores.
Wish daw ni Kuya Germs sa kanyang kaarawan ang mas mabilis na paggaling at maganda at malusog na katawan sa kanyang at mga mahal sa buhay.
MATABIL – John Fontanilla