Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim, handa nang tumanggap ng daring role

102615 kim chiu ATC chua FatOut

00 fact sheet reggeeMAY bagong negosyo na naman si Kim Chiu dahil isa siya sa business partner ng ATC Healthcare ni Albert T. Chua at endorser din ng FatOut Colon Cleasing Food Supplement kaya naman sa ginanap na contract signing at launching nito ay natanong ang aktres kung paano siya napapayag na maging bahagi nito.

“Business partner ako rito with a good cause. Kasi lahat ng proceeds ay mapupunta sa selected foundation ko and sa ATC Foundation. Pumayat ka na, nakatulong ka pa sa ibang tao,” bungad paliwanag ni Kim.

Hindi na bago ang ganitong endorsement ni Kim tungkol sa kalusugan.

Aniya, “’yung una ay parang campaign lang na ‘Win Against Asthma’ at ito namang FatOut, supplement siya at talagang sinubukan ko at effective talaga, talagang se-sexy ka.”

Sexy ba talaga ang tingin ni Kim sa sarili? “Oo naman, sexy ako talaga. Oo naman, ganoon talaga sagot. Ang sexy naman is not about the skin ipinakikiita mo, eh. It’s how you express yourself in a sexy way. Kung iisipin mong sexy ka, lalabas ‘yun.”

At dahil sexy na si Kim ay willing na siyang tumanggap ng daring role o proyektong lalabas ang pagka-sexy niya.

“Depende po sa kung ano ang idudulot kong maganda, kung makai-inspire po tayo sa ibang tao, depende sa tatanggapin nating role.

“Siyempre, TV personality tayo, maraming taong naglu-look up sa atin and siyempre may moral obligation tayo sa mga tao. Kung ‘yung kaseksihan mong ‘yun ay makai-inspire sa mga tao, gagawin ko,” pahayag ng aktres.

Paano kung matuloy ang movie project nila ni Piolo Pascual at kailangan ng sexy scene, okay ba kay Kim?

“Isang sequence lang naman siguro ‘yun, so bakit naman hindi since 10 years ko na (ahowbiz) next year. Tingnan natin,”nakangiting sagot ng aktres.

At sa tanong kung willing siyang mag-pose sa men’s magazine, “ayy, parang hindi keri.”

Sa kabilang banda, muling sinabi ni Kim na safe gamitin ang FatOut dahil isa itong Sweep and Shred Formula na nagpapalinis ng colon at trimming down your fat.  Ang ingredients daw ng FatOut ay Psyllium Husk na nagtatanggal ng toxins sa colon, Green Tea Extract para ma-burn ang fat, Pu’er Tea Extract, Aloe Vera Powder, Alfalfa, at Oat Fiber.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …