Saturday , November 23 2024

‘Bagong Simula sa pagbuhay ng Maynila’ (Pangako ni Ali Atienza…)

00 aksyon almarTOTOONG pagbabago. Iyan ng nais ng mga Manilenyo. May posibilidad nga bang mangyari ito?

Naniniwala ang mga Manilenyo na posible raw ito. Sa anong paraan kaya? Ito ay mangyayari raw at kanilang inaasahan ito kay Ali Atienza.

Si Ali nang mag-file ng certificate of candidacy sa Comelec, nais niya’y sikreto lang sana kaya hindi na siya  nag-imbita sa halip pamilya lang ang isinama pero nagulat ang mama paglabas niya sa Quiapo church  (nagsimba muna kasi bago pumunta sa Comelec) –dumagsa  ang kanyang mga supporter.

Hindi na rin sila napigilan at maging sa Comelec.  Ipinakita ang kanilang suporta at pagmamalasakit. Gusto rin kasi nilang makita ang pag-file ng COC ni Ali para Vice Mayor ng Maynila. Kaya mula simbahan, sama-samang sinamahan ng supporters sina Ali at Maile sa Comelec.

Full support kay  Ali ang kanyang  pamilya na pinangunahan ni Buhay Party-list Lito Atienza at ina na si Beng Atienza. Sumama rin si Cong. Amado Bagatsing na kandidato bilang Mayor at naroon din si Buhay Party-list Irwin Tieng na sa simula pa lamang ay katuwang na ni Ali sa mga programa at proyekto niya sa Maynila.

Sa kanyang slogan na “Bagong Simula sa Pagbuhay ng Lungsod Maynila” sinabi ni Ali na nais niyang maibalik ang mga benepisyo at serbisyo na sadyang laan para sa Manilenyo.

Kung kinakailangan aniyang baguhin at amyendahan ang mga umiiral na ordinansa sa lungsod na nagpapahirap sa mamamayan, aniya’y sisikapin niyang ibalik  ito kapag Vice Mayor na siya .

Sa kanyang buong termino bilang Konsehal, masasabing ginipit at pinersonal si Ali sa City Council dahil siya ang namumuno upang kontrahin ang mga panukala at ordinansa na sa palagay niya ay hindi makatarungan at self-serving sa interes ng mga konsehal na nagsumite nito.

Nagresulta ito nang hindi pagbibigay sa kanya ng kahit anong komite at pondo para sa kanyang distrito. Ngunit ganoon man ang ginawa sa kanya, hindi nawalan ng tibay ng loob si Ali upang ipagpatuloy ang serbisyo at pagtulong.

Kahit ang huling sentimo ng kanyang suweldo ay pinagsikapang pagkasyahin para sa kanyang constituents.

Pero mabuti naman dahil sa mga  pakikisama sa mga kaibigan, sinuportahan ang mama sa pamamagitan ng mga kailangang gamot, bigas, relief goods, legal assistance, etc., para sa kanyang constituents.

Dahil dito, lalong minahal si Ali ng kanyang constituents at nang lumaon ay may mga lumalapit na din mula sa iba’t ibang bahagi ng Maynila, ngunit walang makikitang reklamo o hinaing si Ali.

Ngayon dahil na rin sa kahilingan ng majority ng Manilenyo upang tumakbo bilang Vice Mayor ng Maynila, ibayong suporta ng mamamayan ang ipinaramdam kay Ali sa pagpa-file pa lamang ng COC.

Nakatutuwang makita na ultimo ang tindero ng ice cream at mga estudyante ay itinaas ang kamay ni Ali bilang pagpapakita ng suporta sa kanyang kandidatura.

Ngunit ano naman itong umuugong na bulung-bulungan sa Maynila na hindi pa man daw nag-uumpisa ang kampanya, tapos na raw ang laban! Ano ba ang ibig sabihin noon?

Abangan na lang natin.00 aksyon almar

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *