Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Andrei, aminadong masaya kapag kasama si Kiray

102215 Kiray Celis andrei garcia

00 fact sheet reggeeSI Kiray Celis daw ang partner ni Andrei Garcia sa comedy-horror series #ParangNormalActivity kasama sina Ryle Paolo Santiago, Taki, Shaun Salvador, at Ella Cruz kaya tinanong namin ang batang aktor kung posibleng ma-develop siya sa komedyana na siyang nauuso ngayon na nagkakatuluyan ang magka-loveteam.

Natawa si Andrei kaya tinanong namin kung bakit, “ha, ha, ha, very funny po kasi siya (Kiray) tapos ate ko po siya, iling po ang sagot ko.”

At nagulat kami sa sabi pa ng batang aktor, “trabaho po, eh. Work po, okay lang. Hindi naman po sa ayaw, marami pa namang babae sa mundo.”

Ay, ‘grabe ka’ sabi namin kay Andrei at mabilis niyang salot, “mabait naman po si ate Kiray.”

Hindi ba type ni Andrei ang babaeng pinasasaya siya parati?

“Okay naman po sa akin ‘yun, ate ko po kasi siya, 15 lang ako, si ate Kiray 19 na,” diin ulit sa amin ng bagets.

Ha, ha, ha talagang kinukulit namin si Andrei kay Kiray at isa pang tanong namin kung ano ang mas gusto niya, maganda, matalino o hindi kagandahan?

“Kung matalino at hindi naman masyadong okay ang mukha, okay lang po, pero kung maganda at hindi naman matalino, ang hirap po, siguro OR na lang sasagot ko,” natawang sagot ng binatilyo.

Ang saya ng kulitan naming iyon pampawala ng nerbiyos dahil nga rumaragasa ang bagyong Lando na sana ay hindi kami abutan ng baha that time Ateng Maricris sa Pasig City.

Gaganap bilang Warewolf si Andrei sa Halloween episode ng #ParangNormalActivity na si Perci M. Intalan ang nagdirehe.

At sa sa mga avid fan ng #ParangNormalActivity, magkakaroon sila ng mall shows sa iba’t ibang mall sa Metro Manila at ilang probinsiya kaya abangan na lang ang schedule na ipakikita sa TV.

Samantala, niloloko ulit namin si Andrei dahil sabay na umeere ang dalawang programa niya sa magkaibang network, ang #ParangNormalActivity at On The Wings Of Love.

Alin sa dalawa ang show niya ang gusto niya at mabuti hindi nagkakaroon ng problema sa taping days?

“Pareho ko pong gusto kasi blessings po, ‘yung sa ‘On The Wings Of Love’ po, noong nasa Amerika si Clark, kaunti lang po eksena ko kaya hindi naman po regular ang taping, semi-regular lang po ako roon.

“But since nandito po sa Pilipinas si Clark, naging regular na po kasi magkakasama kami.

“Hindi naman po conflict kasi MWF po tapings ng ‘OTWOL’ at tuwing Saturday naman po tapings ng ‘#ParangNormalAcitivity’,” maayos na paliwanag ni Andrei.

Inamin din ng batang aktor na mas at home siya sa #ParangNormalActivity dahil, “kasi po nandito po mga kaibigan ko, para kaming magkakapatid po nina Ryle (Paolo Santiago) at Shaun (Salvador), kumbaga, family ko na po sila, pati mga taga- #ParangNormal staff and crew.”

Only child si Andrei kaya siguro naghahanap ng kapatid na lagging kasama.

Kuwento rin ng program manager ng #ParangNormalActivity na si Omar P. Sortijas, looking forward parati nina Andrei, Ryle, at Shaun sa susunod nilang tapings, lalo na raw ang una na umiiyak pa ‘pag walang taping.

“Kasi po, parang hindi ako sanay na hindi ko sila parating kasama, like every everyweek,” pag-amin ni Andrei.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …