Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Make-up transformation ni Paolo, effect na naman!

102115 paolo ballesteros yaya dub
ANG akala namin, magdaragdag man lang sila ng isa pang artista ng dapat nang lumabas si Isadora, ang nanay ni Yaya Dub. Lumabas na nga ang nanay ni Yaya Dub, at magkamukha talaga sila. Hindi namin nakilala agad kung sino si Isadora, hanggang matapos na lang ang show at may nagsabi sa amin na si Paolo Ballesteros din pala si Isadora.

Effect na naman ang ginagawang make up transformation ni Paolo. Kamukha talaga siya ni Yaya Dub. Para talaga silang mag-nanay.

Isipin ninyo iyang kalye serye na iyan, limang artista lang iyan eh. Sila-sila rin ang gumagawa ng lahat ng roles, pero naging malaking hit na ganyan.

Maganda iyong idea. Maganda ang concept. Pero hindi mo masasabing iyong concept lang ang nagdadala dahil matagal na rin naman nilang ginagawa iyan eh. Noong una nga, may mga alalay din si Doktora De Explorer eh, pero hindi pinansin ng mga tao iyong dalawa niyang alalay. Sapal iyong mga iyon. Naglagay din sila ng male models na alalay naman ni Tidora, hindi rin pinansin iyong mga iyon. Mas sumikat pa nga iyong mga Rogelio eh. Maliwanag iyan, si Yaya Dub lang naman ang bago riyan.

(Ed de Leon)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …