Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Fans ng AlDub, handang gumastos ng libo makita lamang sila nang personal

102115 aldub
NADAAN kami sa isang mall noong Sabado at nakakita kami ng napakahabang pila. Natuwa kami dahil mukhang may isang pelikulang kumikita, ang haba talaga ng pila eh. Noong tingnan namin kung ano ang pinipilahan, hindi naman pala takilya ng pelikula. Ang pinipilahan pala nila ay iyong bilihan ng tickets para roon sa Tamang Panahon Event ng AlDub.

Nagtanong kami, aba iyong mga prime ticket ay mahigit na P1,000 ang bayad at ang sabi sa amin naghihintay pa raw iyong ticket seller ng advise kasi nga mukhang sold out na sila. Ilang oras pa lang iyon matapos na mai-announce ang event na iyon ng AlDub sa telebisyon.

Hindi mo masasabing hinakot iyon. Wala kang makikitang mga arkiladong bus na sinakyan ng mga taong iyon para bumili ng tickets. Halata mo naman ang crowd kung hakot eh, kasi may mga arkiladong sasakyan iyan. Pero kung ang mga tao, kanya-kanyang punta, iyan ang hindi hakot. Iyan ang tunay na crowd. At naniniwala na kami ngayon, matindi talaga ang fans niyang AlDub. Hindi na libre iyan eh. May bayad iyan. Kung magagawa nilang makapagbayad ng libo para lamang mapanood ang isang TV show ng live, na kung iisipin mapapanood din naman nila sa TV ng kasabay lang, aba isipin ninyo kung ano ang magagawa nila kung isang pelikula iyan.

Kaya nga raw may mga pelikulang umuurong na sa Metro Manila Film Festival eh, dahil alam nilang mangangamote lang sila sa takilya dahil kasama iyong AlDub sa isang pelikula.

Masasabi rin nating tinalo ng popularidad ng AlDub pati ang piracy. Kasi sinasabi rin nila na iyong CD ni Alden Richards, naging gold noon mismong araw na inilabas iyon. Nangyari iyon dahil may mga advanced sales sila. May mga bumili na nang diretso bago pa man nailabas iyon sa mga tindahan.

Sa nakita naming iyan, tiyak na sa Metro Manila, na obligadong hatiin ang bilang ng mga sinehan sa lahat ng pelikulang kasali sa festival, darami lamang ang sinehan niyang AlDub pagkatapos ng dalawang araw. Pero palagay namin sa mga probinsiya, baka puro AlDub na ang palabas sa mga sinehan. Lalabas talagang kawawa na ang ibang mga pelikula.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …