Bakit gastos ng titser ang uniporme ng mga atleta?
Joey Venancio
October 21, 2015
Opinion
AKO’Y labis na nagtataka kung bakit gastos ng mga titser ang uniporme ng kanilang mga atleta sa darating na district meet sa Nobyembre.
Dapat ay libre ang uniporme ng mga manlalarong mag-aaral (elementary at high school).
Oo, malaki ang budget ng Department of Education sa palakasan o sports. Anyare? Bakit ang mga guro ang naghahanap ng pambili o pambayad sa uniporme ng kanilang mga manlalaro? Bakit?
Ang nangyayari tuloy ay kinakapalan narin ng mga guro ang kanilang mukha para mag-solicit sa mga kakilala nilang medyo meron sa buhay para lang makalikom ng pang-uniporme at baon ng kanilang mga manlalarong mag-aaral.
DepEd Secretary Armin Luistro, paki-paliwanag lang po kung anong nangyayari sa budget nyo sa sports, pls…
Paging DoH: Salot na langaw sa Marilao, Bulacan
– Mr. Venancio, dito po sa amin sa Barangay Lias, Marilao, Bulacan, halos lahat po ng bakery ay sarado pati kainan at paaralan ay apektado dahil po sa langaw. Puede na pong state of calamity ang Marilao dahil sa salot na mga langaw. Malaking perwisyo na po ito sa aming maliiit na bakery at tindahan, apektado na ang aming pamilya sa gastusin sa araw dahil sa gabi lang kami nagbubukas ng aming tindahan dahil sa dami ng langaw sa aming barangay. Kayo na lamang ang aming pag-asa. Sana matulungan ninyo kami na maiparating ito sa mga kinauukulan. Salamat po. – Concern citizen
Paging Department of Health (DoH), paki-check ang problemang ito ng mga taga-Brgy. Lias sa Marialo, Bulacan. Action, pls…
Grabeng maningil ang UV Express sa Cavite
– Mr. Venancio, report ko ang grabeng paniningil ng UV Express dito sa biyaheng Tuklong-Imus, Zeus-Kawit at SM Bacoor papuntang MOA at Lawton, Manila. P65 ang singil nilang pasahe dahil may nanghuhuli sa Macapagal Blvd. na enforcers ng LTO/LTFRB at Pasay enforcers. Hoy! LTO/LTFRB kumilos kayo dahil puros colorum ang mga UV. Hindi ninyo hinuhuli dahil may lagay kayo kay Tiger! – Concerned citizen
Pagkasunog ng Leyte Regional Prison
– Sir Joey, dito po sa Leyte Regional Prison sa Abuyog, nasunog ang maximum. Dapat sibakin sa puwesto yang mga guard na pabaya, mga opisyal na mga mukhang pera. Kahit alam na ng DoJ ang mga anomalya ng mga empleyado di pa tunanggal yan na mga opisyal na mukhang pera. Wag nyo nalang po ilathala ang cp number ko. Maraming salamat. – Concern citizen
Totoo ito. May mga natustang bilanggo nga sa naturang sunog. Dapat itong tutukan ng DoJ!
Gusto ipa-rehab ang anak na adik
– Sir Joey, ako po si …. nakatira dito sa Hermosa, Tondo, Manila. Tanong ko lang po kung may alam kayong rehabilitation na libre. Kasi po mahirap lang kami. Gusto ko po sana ipasok sa rehab yun anak kong lalaki bago po makagawa pa ng masama ito. Nahihirapan na po ako sa kanya. Sana po ay matulungan nyo ako. 62 taon gulang na po ako. Maraming salamat. -09087036…
Lumapit po kayo sa hepe ng pulis na nakasasakop sa inyo o kaya sa DSW-Manila. Sila ang sagot sa iyong katanungan. Magpasama lang kayo sa barangay official ninyo. Okey?
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015