Friday , November 15 2024

Runners, joggers, at bikers, target ng tandem

00 aksyon almarHINDI lang doble ingat ang dapat gawin ng early joggers, runners at bikers ngayon paglabas ng kanilang tarankahan sa bahay kundi sako-sakong pag-iingat ang dapat na bitbitin ng bawat indibiduwal.

Marahil nagtataka po kayo, kapwa ko runners, joggers at kapatid sa lasangan (bikers). Pinag-iingat ko po kayo o tayo dahil, sadyang dumarami na ang miyembro ng kampo ni Taning. Tinutukoy ko’y mga riding-in-tandem.

Opo, sadyang ayaw pumaheras sa pagha-hanapbuhay ng mga gagong riding-in-tandem. Maging ang early joggers, runners at bikers ay tinitira na nila.

Sa mga dumarayo naman sa San Mateo, Rizal partikular ang mga pumupunta sa Timberland at Shotgun para sa isang uphill training o hikers, dobleng ingat po kayo lalo na kapag maaga-aga ang pagpunta ninyo sa lugar.

Kapag maaga-aga kayo, mag-ingat sa madilim na lugar – sa gawing Paraiso. Madilim-dilim ang lugar kapag alas-kuwatro hanggang ala-singko y medya kayo mapadaan dito. Sa naturang bahaging ito na papuntang Shotgun at Timberland tumitira ang riding in tandem.

Nito lamang nakaraang linggo, isang grupo ng early bikers ang hinoldap ng tandem. Kapwa naka-helmet at armado ng baril ang dalawang holdaper na lulan ng isang motorsiklo.

Hayun, hindi nga naman nila tinangay ang bisikleta ng bikers pero ang mga personal na kagamitan nila, tulad ng wallet na may lamang pera, cellphone at iba pa ang natangay.

Hindi lang isang beses nangyari ito kundi ikatlo na yata ang tinutukoy natin. Kaya mga kapatid (sa lasangan) hindi lang doble ingat ang dapat ibaon kundi, sako-sakong pag-iingat.

Biro ninyo, grupo na ang biniktima nila (hindi sila natakot) lalo pa kaya kung mag-isa lang ang prospect. Ano pa man, ang maganda niyan, kailangan lagi kang may kasama lalo kapag kayo’y maaga-agang lumalabas.

Batid ko’y maraming runners na lumalabas ng 3am. Kaya mga kapatid, hindi lamang sa nabanggit na lugar tayo mag-ingat kundi saan man lugar ngayon.

Sadyang wala nang pinipili ang mga riding-in-tandem ngayon.

Kaya sana, kapag nahuli ang mga tandem, ‘lagi silang mang-aagaw ng armas sa mga pulis para…Bang! Bang! Bang!  Paktay. Nang-agaw ng baril e, kaya ipinagtanggol lang ng mga pulis ang kanilang sarili laban sa mga holdaper.

Oo sana lagi na lang mang-agaw ng baril sa mga pulis ang mga nahuhuling tandem. Para ano po uli…ratatata…ratatata…paktay silang lahat.

Nagtataka lang tayo, mga lalaki ang mga tandem. Pero bakit ang bilis nilang dumami samantalang hindi naman sila nabubuntis.

He he he…

O mga kapwa early-riser, mag-ingat sa lasangan lalo na tayong mga early runners, joggers, at bikers. Tips, kapag alanganin na, huwag kayong manlaban at sa halip, ibigay ang gusto nila pero kung sa tingin ninyo ay kaya ninyo ang mga holdaper, pagtulung-tulungan ninyo ang mga gago para mabawasan naman ang mga hunghang.

Kaugnay ng insidente, tayo naman ay nananawagan sa hepe ng San Mateo Police Station. Sir, baka naman po puwede ay magpapatrolya kayo ng mga tauhan ninyo sa lugar o magpa-istambay kayo ng kahit dalawang pulis sa lugar (kalsada sa gawing Paraiso) madilim po rito. Tutal dalawa o hanggang tatlong oras lang naman – alas kuwatro hanggang ala- singko y medya ng umaga. Ito ay para sa proteksi-yon – hindi lang ng mga dumarayong runners, bikers, at joggers kundi maging ng mga mamamayan ng San Mateo.

San Mateo Mayor Paeng Diaz, your attention is badly needed sir.

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *