Thursday , December 26 2024

Bakit may panggulo sa halalan?

00 firing line robert roquePAYAPA at maayos na nagwakas noong Bi-yernes ang isang linggong paghahain ng “certificates of candidacy” (COCs) sa Commission on Elections (Comelec).

Tulad nang dati ay muling nasilayan ang pagsali ng mga nagnanais kumandidato na kakaiba ang ayos, kasuotan at pati na mga sina-sabi na sa simula pa lang ay mahirap nang paniwalaan.

Halimbawa na rito ang nagpakilalang si “Archangel Lucifer” na hangad daw maging pa-ngulo. Mayroon din isang intergalactic earth ambassador umano na gustong maging presidente.

At kung may nagsabing ang nasa likod ng kanyang pagtakbo ay mga nilalang mula sa ibang mundo, may pangkaraniwang tao ring nangako na kung mananalong pangulo ay gagawin niyang estado ng Amerika ang ating bansa.

May mga natuwa, natawa at pinintasan pa nila sa social media sa pagiging “nuisance candidates” umano o panggulo sa halalan.

Pero masisisi ba natin sila? Ayon sa ating Konstitusyon, ang nagnanais maging pangulo ay dapat “natural-born citizen”, rehistradong botante, nakababasa at nakasusulat, edad 40 sa araw ng halalan, at residente ng Filipinas nang hindi bababa sa 10 taon bago maghalalan.    

Obligado ang Comelec na tanggapin ang lahat ng COC ng bawat kandidato, kahit may mga kumukuwestiyon sa katinuan ng iba, dahil ang kalusugan ng katawan o kaisipan ay wala sa batayan ng Konstitusyon. Pero hindi ito na-ngangahulugan na lahat sila ay puwedeng tumakbo.

Ayon sa Omnibus Election Code ay puwedeng kanselahin ng Comelec ang COC kung ang nag-file ay walang tunay na balaking kumandidato; gustong gawing katawa-tawa ang halalan; nais guluhin ang mga botante dahil pareho ang pangalan sa rehistradong kandidato.

Maaari rin ideklara ng Comelec na panggulo ang kandidatong independiente kung hindi niya mapapatunayang kaya niyang gastusan ang pangangampanya sa buong bansa.

Kung sa simula pa lang ay sinala na ng Comelec ang magpa-file ng COC at malinaw kung sino lang ang tatanggapin ay hindi na sana humaba ang usapan.

Hindi sana nag-aksaya ng oras ang bawat isa at higit sa lahat ay hindi napahiya sa sambayanan ang mga sinasabing panggulo sa halalan, kung saan marami ay “senior citizens” na pero nabastos pa.

Hindi ba panahon na para baguhin ang sistemang ito?

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *