Thursday , December 26 2024

Napakaraming kandidatong presidente na pagpipilian

00 pulis joeyANG saya! saya!!!

First time yata sa history ng politika sa Filipinas na napakaraming naghain ng certficate of candidacy (COC) sa pagka-presidente.

Oo, higit isandaan ang kandidato sa pinakamataas na posisyon sa basna para sa 2016 elections.

Patunay ito na pati utak ng mga tao ay apektado narin ng climate change. Hehehe…

Seriously, syempre hindi naman papayagan ng COMELEC na mababoy ang ating halalan sa Mayo 9 na sunod na taon. Sasalain nila ang mga puwede lamang tumakbo sa pagka-presidente at bise-presidente. Hindi puwede ‘yung mga naghain na binulungan lamang ng hangin ng diyos at ni Lucifer para sumali sa halalan. Hanggang Disyembre ang palugit sa COMELEC para linisin ang mga naghain ng kandidatura.

Ang mga sigurado na papayagan ng COMELEC para sa pagtakbong presidente ay sina Jejomar Binay, Mar, Roxas, Grace Poe at Miriam Defensor-Santiago.

Sa mga bise presidente naman ay sina Leni Robredo, Chiz Escudero, Gringo Honasan, Alan Peter Cayetano, Antonio Trillanes at Bongbong Marcos.

Your choice, mga boss? May pitong buwan pa kayo para pag-aralan ang kanilang track records. Goodluck!

Higit 2,000 nagkasakit sa Surigao del Sur

Sir Venancio, report ko po: Base sa report ng Department of Health (DOH) sa Caragaay, umabot na sa halos 2,000 ang mga refugees mula sa iba’t ibang evacuation centers sa Surigao del Sur ang nagkakasakit. Umabot na nga raw sa 1,973 ang nagkakasakit at halos kalahati ng bilang ang na-diagnose na may acute respiratory illness, mayroon din ginagamot dahil sa conjunctivitis, skin diseases, influenza like illnesses at iba pang mga sakit. Ang mga lumikas ay pansamantalang nakatira sa sports complex, municipal gymnasium at elementary school sa Surigao del Sur. Sa dami ng refugees ay tiyak na magkakasakit nga lalo na ang mga bata dahil sa siksikan nilang kalagayan.

Lubos na apektado ang mga bata at matatandang Lumad. Nakaaawa ang kalunos-lunos nilang kalagayan dahil pati tirahan at kaunting kabuhayan nila ay kailangan nilang lisanin dahil sa karahasan na dulot ng rebeldeng New People’s Army (NPA). Kung wala sanang mga NPA na nananakot at nanggugulo sa kanila ay hindi sila aalis sa kani-kanilang komunidad. Hilda M. Estrella, social worker volunteer

May koryente ang gate ng pinto ng bahay ng pulis?

– Report ko po. Ako ay taga-Callejon, Labo, Solis St., Tondo, Manila. Ipapaalam ko lang po ang kapitbahay namin na pulis na si “Tom.” Kala mo kung sino sya. Pati ba naman si Roberto pinahuli niya samantalang natutulog lang, tpos ‘yung mga bata kinokoryente nya pag hinahawakan ‘yung gate ng pinto nila. ‘Wag n’yo po ilabas ang numero ko kasi baka balikan po ako. -Concerned Citizen

Maaari kayong magreklamo sa PLEB laban sa pang-aabuso ng pulis. Huwag ka-yong matakot sa pulis kung talagang wala kayong kasalanan.

Natuwa sa pagtakbo uli ni Mayor Lim

– Sir Joey, nagpapasalamat kaming mga vendor sa pagtakbo uli i Mayor Lim. Kasi talagang hirap na hirap kmi ngayon sa dami ng mga nangongotong. Kaya susuportahan namin ang kanyang pagbabalik para lang mawala ang mga bata ni Erap na grabe mangotong dito sa Maynila. Salamat po!

– 09192390…

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

About Joey Venancio

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *