Saturday , November 23 2024

Pag-aralan at kaliskisan na ang mga kandidato

00 pulis joeyNGAYONG alam na natin kung sinu-sino ang mga nag-file ng kandidatura para sa halalan sa 2016, may pitong buwan tayong pag-aralan ang kanilang pagkatao.

Oo, piliin natin ang mga kandidatong may sapat na kakayahan, malinis ang pagkatao, walang rekord ng anumang katiwalian at walang bisyo. Ito’y upang makatiyak tayo ng matinong mamumuno sa ating bayan.

Asahan natin maraming kandidato ang mamimili ng boto, mangha-harass para manalo sa halalan. Ito ang mga kandidatong may hindi magandang pagkatao at tiyak na hindi gagawa ng mabuti sa panunungkulan. Tanggapin lang natin ang kanilang pera pero huwag i-shade ang kanilang pangalan sa balota. Gabayan nawa ng Maylikha ang pagpili natin ng matinong lider.

Gising, bayan!

3-way battle sa gobernador at kongresista sa Romblon

Tatlo ang maglalaban sa pagka-gobernador sa Romblon.

Ito’y sina incumbent Dr. Ed Firmalo, dating Mayor Montojo at broker na si Paul Gaan.

 Tatlo rin ang magbabanggaan sa pagka-kongresista. Ito’y sina ex-Governor at retired Judge Joe Madrid, outgoing San Agustine Mayor Toto Madrona at outgoing Calatrava Mayor Bong Fabella.

Sa governatorial ang tiyak na maglalaban ng mahigpitan ay sina Firmalo at Montojo na kapwa may balwarte.

Si Firmalo ay mula sa Odiongan, Tablas island, ang pinakamalaking bayan sa isla na mayroong almost 30,000 registerted voters.

Maliban dito, ang Tablas ay mayroong siyam na bayan out of 17 municipalities sa buong Romblon province. Kaya malaki ang bentahe ni Firmalo.

Si Montojo naman ay mula sa Romblon island na pangalawa sa may pinakamalaking registerted voters, more than 22,000.

Bale limang bayan naman ang bumubuo sa Romblon island para kay Montojo.

Ang isa pang isla sa Romblon na Sibuyan ay mayroon lamang tatlong munisipyo na maaring paghati-hatian nina Firmalo at Montojo.

Malaki naman ang laman ni Madrid laban kina Madrona at Gaan dahil sa malinis nitong rekord sa public service.

Ibalik si retired Judge Joe Madrid!

Panawagan sa kapwa botante

– Good day po. Panawagan sa mga kapwa ko botante na sa inyong pagboto ay suriing mabuti ang pagkatao ng mga kandidato na nagnanais na maupo/maluklok sa public office. Pag-aralan nating mabuti at alamin kung sila ba’y may nagawa na, competent at dapat bang pagkatiwalaan na humawak sa iba’t ibang posisyon sa ating gobyerno. Tingnan po natin ang kanilang track records/credentials kung sila ba’y sangkot sa mga anomalya o katiwalian sa kanilang panunungkulan sa bayan? Maging mapagmasid at mapanuri po tayo sa mga kandidato. At higit sa lahat ay maging matalino na po tayo sa pagboto sa 2016 elections.

– Ben Latigo ng Bulacan

Para sa mga pulis na nang-sona sa Bambang, Pasig City

– Itong mga pulis na nang-sona sa V. Pozon st., Bambang, Pasig sa Calle 16, back to school… Maganda ang inyong hangarin. Kaya lang insulto sa aming matitino… galing kaming trabaho 2 to 10 shift ay sa presinto kami magderetso. Mabuti pa yun mga pusher at adik masaya ang kuwentuhan nila habang inaabala kami. Kenkoy na diskarte nyo, pera pera. Nakakita lang kayo ng lalaki, suspek na kahit kasama ang asawa! – 09234663…

Ang advise ko lang kapag may sona laban sa mga kriminal ang pulisya sa inyong lugar, ipakita nyo lang ang inyong valid ID at ang barangay officials lalo na tserman ang magpapatunay kung anong klase ang inyong pagkatao para hindi dalhin sa presinto.

Natuwa sa pagtakbo uli ni ex-Mayor Lim

Boss Joey ako ay natutuwa at nag-file na ng certificate of candidacy ang aking iniidolong si Mayor Alfredo Lim… at natutuwa din akong si Rep. Atong Asilo ang kanyang napiling running mate, mga anak ng Tondo tulad ko. Si Mayor Lim e inidolo ko na mula pagkabata ko. Siya ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nag-aral ng abogasya dahil gusto ko maging katulad nya. Sayang nawala na ang tiyuhin kong si dating deputy mayor Joey Silva na kakatapos lang sana ng kanyang kaarawan. At kung nabubuhay lang sana siya e madalas ko makikita ang aking idolo kahit minsan lang ako nakalapit sa kanya dati e masaya nako. Alam ko mananalo siya dahil siya ang tunay na may malasakit sa mga manileno…. DIRTY HARRY IS BACK… GOD BLESS – Morris Marco Lim

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About Joey Venancio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *