Saturday , November 16 2024

2 estudyante nag-away sa classroom 1 patay

1018 FRONTPATAY ang isang binatilyong estudyante nang mabagok ang ulo sa baldosa sa loob ng classroom habang nakikipag-away sa kanyang kaklase sa isang paaralan sa Sta. Maria, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Rioben Santor Jr., 14-anyos, estudyante ng Sta. Maria National High School sa naturang bayan.

Ayon kay Larry Lagman, school principal, nagpambuno sina Rioben at ang hindi pinangalanang kaklase na nagresulta sa pagkabagok ng ulo ng biktima.

“In a matter of minutes lang po, nadala namin sa ospital ang bata. Emergency case po, ginawa naman, po, sa ospital ‘yung magagawa nila para ma-revive ‘yung bata,” dagdag ni Lagman.

Sa isinagawang pagsisiyasat ng Education Department investigation, ang pag-aaway ng dalawang estudyante ay naganap habang lunch break kaya walang guro sa loob ng classroom. 

“Wala naman pong teacher in charge kung free time,” ayon kay DepEd-Bulacan Assistant Schools Division Superintendent Bernadette Tamayo.

Gayonpaman, hindi sang-ayon ang ama ng biktima na si Rioben Sr., sa paliwanag dahil kapabayaan aniya ito ng mga opisyal ng eskuwelahan. “E, sa loob po ng eskwelahan nangyari. ‘Di po ba dapat sila ang nandodoon?”

Sa panig ng ina ng batang nakaaway ni Rioben, umaasa siya na mapapatawad ang kanyang anak. “Sana po mapatawad nila, kasi po, kami po, hindi po rin namin ginusto ang nangyari. Kaya po, humihingi po kami ng pasensiya, pang-unawa po, dahil aksidente po ‘yung nangyari.”

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *