Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maja, may laging ka-text na nagpapasaya ng mundo niya

081915 Coco martin Maja

00 fact sheet reggeeSA nakaraang Majasty Concert presscon ni Maja Salvador noong Huwebes ay nabanggit ng aktres na may ka-text siya parati at ayaw niyang banggitin kung sino. Kaya ang hula ng lahat ay baka si Coco Martin na leading man niya sa Ang Probinsiyano lalo’t nabanggit pa ng aktres na super close sila ng aktor dahil lagi niyang pinatatawa ito.

Pero itinanggi iyon ni direk Malu Sevilla nang makasalubong namin sa hallway ng ELJ Building pagkatapos ng Majasty presscon.

“Kulitan sila, tawanan kapag hindi kami nagro-roll, masaya kasi sa set namin, lahat kami, masaya. Magkakaibigan kasi silang lahat, close kumbaga,” paglalarawan ni direk Malu sa samahan nina Coco at Maja.

Dagdag pa, “wala talaga kasi si Coco, puro trabaho ‘yan, hindi mo nakikitaan ng iba, seryoso ‘yan sa trabaho. Wala namang kilig akong nakikita kasi si Coco focus ‘yan sa trabao niya,” sabi pa ng direktor.

Hindi lang daw sa tapings nakakasama ni direk Malu si Coco, “kapag hindi kami nagte-taping, magkakasama pa rin kami ni Coco like may pre-prod, at saka si Coco, hindi yata natutulog, kasi bukod sa ‘Probinsiyano’, nagso-shooting pa sila ni Vice (Ganda) para sa MMFF nila, so technically, walang oras ‘yan, kung mayroon man, ipapahinga na lang niya.

“Minsan nga, dalawang oras lang na tulog, okay na siya, pinagsasabihan ko nga, ‘Coco, matulog ka nga’, sagot ba naman sa akin, ‘sayang ang oras direk, itatrabaho ko na lang.’ ‘Di ba, matanda mag-isip, ganoon siya kaya feeling ko walang lovelife talaga si Coco,”pahayag pa ni direk Malu.

Binati namin ang direktor ng Ang Probinsiyano dahil consistent ratings ng Ang Probinsiyano na paganda ng paganda habang tumatagal. “Ay sobrang salamat nga talaga sa lahat ng suporta at sa mga nanonood gabi-gabi, grabe kung alam n’yo lang kung anong hirap namin, sobra as in,” umiiling na sabi pa ng direktor.

 

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …