Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ina ng mga anak ni Bistek, papasukin na rin ang politika

101615 tates gana herbert bautista

00 fact sheet reggeeFINALLY, natuloy na rin ang pagpasok sa politika ni Ms Tates Gana, ina ng mga anak ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na ilang taon ng nauudlot.

Noong Miyerkoles ng hapon ay nag-file na siya ng certificate of candidacy para konsehal sa ikaanim na distrito ng Quezon City.

Sa tanong namin kung bakit naudlot dati, ”ayaw kasi ni Herbert ng dynasty, sabi niya, at saka na lang ‘pag last term na niya as Mayor, eh, last term na niya kaya heto, natuloy na ako,” katwiran sa amin ni Ms Tates.

Maganda ang plataporma ng ina nina Athena at Harvey Bautista, ”matagal na kasi akong tumutulong sa mga nangangailangan, ilang taon na, 20 years na.

“Nakita ko ang kakulangan sa mga maysakit, kakulangan sa gamot, eh, lahat ng tulong ko, came from my own resources so, sa tingin ko siguro mas marami pa akong matutulungan kapag pumasok ako konseho para madagdagan ang budget.

“Lahat ng budget para sa health ay doon ko ilalagay, kasi may Child Haus din akong mini-maintain so iyon ang naisip kong paraan para makatulong.

“Actually, hindi ko naman hilig, hindi ko plano nakita ko lang ‘yung mga kailangang dapat tulungan.

“Hindi ko kaya ‘yung iikot ka sa isang kuwarto tapos kakamayan mo lahat, kasi all these time, 20 years, nasa likod lang naman ako ni Herbert, siya ‘yung nagsasalita, siya ‘yung kumakamay, ako lang ‘yung nagtatrabaho, preparation everything ako.

“Kaya lang ngayon, gusto kong maging legal ‘yung gusto kong gawin, ‘yung pondo ilalagay ko sa dapat paglagyan.”

At kung si Bistek ay kabilang sa Liberal Party ay hindi naman pinalad na mapasama si Tates, ”hindi nila ako kinuha, eh. Sa Nacionalista Party ako, kina Manny Villar. Eh, ganoon talaga,” pahayag ni Ms Tates.

Samantala, hindi bago ang pangalang Tates Gana sa Quezon City dahil sa tuwing may kailangan kaming isangguni sa kanya tungkol sa mga problema sa basura, kalsada, mabagal na usad ng barangay kung saan kami nakarehistro, mga nangangailangan ng tulong sa ospital at nangailangan ng wheelchair ay hindi kami nagdalawang salita.

Kaya nga sabi namin kay Tates sana sa distrito na lang namin siya tumakbo dahil kailangan ng aming barangay ang isang tulad niya na may aksiyon agad kaso, hindi naman siya sa amin nakatira.

Anyway, good luck Ms. Tates sa bago mong papasuking karera na actually ay hindi na bago kundi magiging legal na.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …