Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mocha Girls, nagka-trauma nang makulong sa Malaysia

101515 mocha girls

00 fact sheet reggeeNO doubt, iba ang appeal ng Mocha Girls sa mga lalaki dahil talagang pinagkaguluhan sila sa ginanap na ATC Healthcare 10th year anniversary noong Sabado sa Makati Shangri-la Hotel dahil super seksi ang suot nilang pekpek shorts kaya habang sumayaw sila ay walang kakurap-kurap ang mga kalalakihang nasa loob at labas ng Isabella function room ng hotel.

Isa ang Mocha Girls sa endorser ng Robust Extreme, 440mg na naglalaman ng natural ingredients (Spiral Algae, Corn Extract, Medlar Extract, Ginseng Extract, Epimedium Extract, Cistanche Salsa Extract and Hawthorn Berry Extract) na nagpapatinag sa mga lalaking may problema sa pagkalalaki.

Samantala, tinanong si Mocha Uson tungkol sa pagkakakulong nila sa Malaysia kamakailan at kung anong plano nila sa producer/promoter na kumuha sa kanila.

Inamin ni Mocha na talagang may trauma na silang mag-show sa ibang bansa,”bago pa kami mag-perform doon ay may naka-schedule palang raid, kaya kami ang inabutan. Kasalanan po ng producer ‘yun kasi hindi sinabi sa amin.

“Talagang traumatized po sa amin iyon. ‘Though inayos din naman ng producer namin doon kaya kami napauwi na ng Pilipinas.

“Noong unang trato po sa amin criminal kasi may mga warden pa, pero naging okay na noong malaman nilang performer’s kami roon.”

Wala pang napagkakasunduan ang grupo at ng manager nila kung ide-demanda nila ang producer/promoter na kumuha sa kanila sa Malaysia dahil sa kahihiyang sinapit nila.

Bagamat may trauma na ay tumanggap pa rin sila ng shows sa ibang bansa.

“Tuloy-tuloy pa rin po ang shows namin sa ibang bansa kasi may mga offer naman, sa December po, may US tour po kami,” sabi ni Mocha.

Hindi nagkamali ang presidente ng ATC Healthcare na si Albert T. Chan na kunin ang Mocha Girls bilang endorser ng Robust Extreme dahil ito raw ang pinakamalakas nilang produkto sa loob ng 10 taon na mabibili sa lahat ng grocery at drug store.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …