Friday , December 27 2024

Bakit bulag ang Pasay PNP sa gambling operation nina Jose, estor?

CRIME BUSTER LOGOPORMAL nang naghain ng kani-kanilang certificate of candidacy (COC) ang tropa ni incumbent Pasay City Mayor Antonino “TONY” Calixto para sa nalalapit na May 2016 presidential and local elections.

Ang filing ng COC sa tanggapan ng local Comelec ng Pasay City ay pangunahan ni Mayor Calixto, ng sister niyang si incumbent congresswoman Emi Calixto-Rubiano at Pasay City vice mayoral candidate Boyet del Rosario noong Martes ng umaga.

Ang mga kandidato ng Calixto Team 2016 para sa konsehal sa District 1 ng Pasay City ay sina Mark Calixto, Ricardo “Ding-Taruc” Santos, Tonia Cuneta, Abet Alvina, Mards Molina at Jong Advincula.

Sa District 2 ng Pasay City, ang mga kandidatong konsehal ay sina Regino “Moti” Arceo, Arlene Padua, Donna Vendivel,  Joey Calixto Isidro, Wowie Manguera at Rey Padua Jr.

Sa lineup ng mga konsehal, apat sa kanila ang incumbent candidates na kinabibilangan ni Moti, Alvina, Padua at Tonia Cuneta.

Sa kasalukuyan, nasa kamay ni Cuneta ang pagiging presidente ng Association of Barangay Captain (ABC) sa lungsod ng Pasay. Wala pang tumatalo sa kanya.

Ilan sa nakausap nating political observer sa Pasay ang nagsabing napakahirap itaob ng mga katunggali sa politika ang sinasakyang bangka ng Calixto “LP” Team 2016 sa darating na halalan dahil kompleto sila sa political machineries at iba pang political resources.

Magaling pa sa political strategy ang coach ng Calixto Team.

Sa political history ng mag-utol na Calixto hindi pa sila nakapagtala ng ano mang pagkatalo kada may local na halalan sa Pasay.

Tulad ng kanilang yumaong ama na si Duay Calixto, ang political history ng mag-utol na Calixto ay puwede nang ilagay-isulat sa talaan ng Guinness Book of Wortld Records.

Nagsimula ang pagiging public servant nila sa lungsod ng Pasay bilang topnotchers na elected city councilors sa Sangguniang Panglunsod ng Pasay.

Mula sa konsehal, na-elect na vice mayor at mayor si Tony, samantala si Emi ay sa House of Representatives.

Sa bilangan ng mga boto, pinakain ng alikabok ni Emi si Dr. Lito Roxas noong 2013 elections habang ang mama ay incumbent congressman sa Pasay City.

Kumbaga sa karera ng kotse, laging pulling away sa halalan ang mag-utol na Tony at Emi.

Bravo for Justice Brotherhood Association, suportado si Bongbong Marcos

INIHAYAG ni retired police Senior Superintendent Alfredo Orbeta na suportado ng kanilang samahan ng Bravo for Justice Broherhood Association (BFJBA), ang kandidatura sa pagka-bise presidente ni Bongbong Marcos.

Ang Bravo for Justice Brotherhood Association ay isang malaking grupo ng non-government organization na ang mga miyembro ay nakabase sa iba’t ibang lugar sa bansa at sa abroad. Ang kaibigan nating si brod Col. Orbeta Jr., ang founding chairman ng samahan.

Padaplis lang!!! Saklaan sa sabungan ng Rosario, Batangas

   HINDI raw kayang awatin ng mga awtoridad ang pasugal na baklay o sakla ni Aling Marvic sa loob ng sabungan ng MD at JV Tombol cockpit na kapwa nasa bayan ng Rosario, Batangas.

Kung may katotohanan na ang legal na sabungan sa bayan ng Rosario, Batangas ay hinaluan ng mesa ng saklaan (Spanish card games), e sino naman kaya ang nagbigay ng permit to operate sa gambling financier na si Aling Marvic?

Teka si Alvarez ang alkalde sa Rosario, Batangas. Si Chief Inspector Oliver Ebora ang hepe ng pulisya sa nasabing bayan.

Eto pa, sa Barangay Mainaga sa bayan ng Mabini, Batangas ay may itinayo raw si Aling Tina na isang malaking peryahan.

Ang peryahan daw ay nababoy dahil hinaluan daw ni Aling Tina ng iba’t ibang uri ng pasugal tulad ng beto-beto, baklay, color games at iba pang sugal lupa.

Paano nabigyan ng mayor at barangay permits ang peryahan ni Aling Tina sa Mabini, Batangas???

Mayor Nilo Villanueva, malapit na ang halalan. Gising po!!!

Teka, si Aling Tina ay manugang pala ni Yolly na isa rin capitalista ng mga sugal lupa sa Calabarzon.

Sa Lecheria sa Calamba City, Laguna at sa Telerey sa Canlubang, Laguna, gabi-gabi rin kung magpalaro ng color games ang mga alagang peryantes nina Babes Panganiban at Mely.

Alam kaya iyan ng PD ng Laguna???

Paihi ni Dondon sa Batangas City

GBABE raw kung nakawan ng petroleum product ng grupo ni Dondon ang mga tanker ng shell sa paihian na matatagpuan sa  Barangay Tulo sa Batangas City. Mula daw sa tanker, drum-drum daw kung nakawan ng petroleum ni Dondon ang kompanya.

Sa tabi lang daw ng kalsada sa puno ng Sampaloc kung ipasipsip ni Dondon ang pinaihing gasolina at krudo. Alam kaya iyan ng paihi King sa Calabarzon???

About Mario Alcala

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *